[Thirty]

3.9K 96 2
                                    

K U M U S T A

Chapter 30

Jess POV

"Momma, sama na kasi akoooo." Ayan nagpapa-cute na ang anak ko na sumama sa akin sa Party nina Kate.

"But baby, it is only for the big people. Walang bata ang pupunta doon, tsaka gabi na kami papauwiin, knowing your Ninang Kate. Tsaka mabobored ka lang doon, trust me baby. Dito ka nalang, kulitin mo si parekoy mo sa kabilang kwarto." Saad ko lang, ang bunso kong kapatid ang parekoy niya dahil ayaw ng kapatid ko na tawagin siyang Tito ni Jai, masyado daw siyang bata para tawaging 'Tito'.

"Hmmm" saad lang niya at umupo sa kama namin na nakabusangot.

"Baby,.. Promise, pagbalik ko we're going somewhere. Maybe, sa Dinosaur House, sa Snow World? O sa MOA? We will skate on the ice?" nakangiting saad ko.

"Really? Pwede lahat Momma? Hehehe." Nakangiti niyang saad.

"Hmmmm." Nakataas ang mga tingin ko na tila nag-iisip. "Cge, but. Behave ka pag wala si Momma ah." Saad ko lang.

"Behave naman po ako diba?" nagpapa-cute pa niyang saad.

"Oo na nga." Sabi ko nalang.

I'm going to Kate and BJ anniversary, remember? For a day lang naman, sa resort nila kasi gaganapin at hindi na ako papayagang umuwi non kung sakali. Gusto ko mang isama si Jai, pero hindi pwede. Malamang nandun si Prince, hindi pa ako handang ipakita o ipakikilala sa kanilang dalawa ang isa't-isa.

Mag-aalas dyes na akong dumating sa resort nila. I just wore a slightly lose shirt, black tights and a pair of sneakers. Ipinusod ko lang sa itaas ang buhok kong mahaba. Naglagay lang ako ng kaunting make-up para hindi halata na stressed ako. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan ang suot ko, well, hindi naman pormal ang party na dadaluhan ko. pool party po kaya.

Pinark ko na ang sasakyan ko tsaka bumaba papasok sa loob. Splash Mountain Resort ang pangalan ng resort nila. May mangilan-ilan na ring bisita at gaya ng inaasahan ko ay hindi talaga pormal na okasyon ito. Binigay ko lang ang pangalan ko sa receptionist at hinatid na niya ako sa magiging kwarto ko.

"Salamat." Saad ko lang bago pumasok. Umalis na din siya tsaka ko sinara ang kwarto ko. nilapag ko doon ang bag ko tsaka din lumabas.

Natanaw naman agad ng aking paningin ang mag-asawang Kate at BJ malapit sa gilid ng Pool. Akmang lalapit na ako sa kanila nang matigilan ako sa nakita ko. Kumabog ng husto ang dibdib ko nang makita kung sino ang kausap ng mga ito. Si Prince. Gusto ko sanang umurong ngunit huli na dahil nakita na ako ni Kate at kinawayan ako. Tila slow-motion ang ginawang paglingon sa akin ni Prince.

Napalunok ako habang dahan dahan na naglalakad papunta sa kinaroroonan nila. He is still the same handsome Prince I knew before minus the smile. Wala akong mabasang anuman sa mga mata niya. He just look at me very cold and formal just like he didn't know me at all. Hindi ko na makita sa kanya ang mapanuksong Prince na nakilala ko dati, though he looked more gorgeous than before. Lalo pang gumanda ang pangangatawan niya dahil sa suot niyang white polo plus he also wore a black fitted short and black sneakers.

Hindi ako makapagsalita nang makalapit ako sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam kung paano ulit makikisama sa kanya mula nang nangyari noong nakaraan. Baga pa may magsalita sa amin ay tumalikod na siya at walang paalam na naglakad papalayo.

"I'm sorry for my cousin's manners." Hinging paumanhin ni BJ.

"It's...It's okay." Saad ko tsaka pilit na ngumiti sa kanila. "Happy anniversary." Muntikan ko nang makalimutan na batiin sila.

Sa isang sulok naman ng mga mata ko ay nakita kong umupo si Prince sa isnag mesa kung saan maraming babaeng nakaupo. Tila akong sinasakal habang nakikipagtawanan siya sa mga babaeng 'yon.

"Are you okay?" napitlag lang ako sa tanong ni Kate. Si BJ naman tinignan ang anak nila na ngayon ay nagsuswimming na kasama ang yaya niya.

"Oo naman." Tipid na sagot ko tsaka pilit na ngumiti.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang party, nakakalibang at nakakatuwa lang dahil puro laro ang highlights ng party nila. Si Kate na kasi ang emcee at clown ng party nila, enjoy na enjoy naman ang lahat sa kanya. Kahit kailan talaga hindi pa din nagbago.

Nakakailang ulit na din siya upang tawagin ako sa mga palaro para makilahok pero tumanggi lang ako. Kuntento na akong tumatawa dito habang nag-eenjoy sa panunuod. Ilang beses na ding nagtama ang paningin namin ni Prince tuwina ay siya ang unang nagbabawin ng tingin.

Pagkatapos ng Trip to Jerusalem ay may inilabas ang mag-asawa na dalawang fishbowl na may mga lamang papel.

"At ngayon, eto na ang pinakamasayang laro sa lahat." Masayang saad ni Kate sa mikropono at nagpalakpakan naman nag lahat. Tumingin sa kinaroroonan ko si Kate. And I just smelled something fishy. "Tinatawag namin ng Honeypie ko ang larong ito na 'Touch Me The Right Way'."

"Ikaw lang Honeypie." Mahinang saad ni BJ sa mikropono pero rinig naman na ikinatawa ng lahat.

Tumingin lang si Kate sa asawa niya at tinaasan ng isang kilay. "Wag kang ganyan Honeypie. Gusto mo yatang matulog sa lapag mamaya." Lalong natawanan ang lahat sa hirit ni Kate.

"Joke lang, ikaw naman Honeypie hindi na mabiro, masyadong seryoso." BJ gave a smack on Kate's lips. At humugong ang malakas na hiyawan at tuksuhan. Napangiti din ako, mga kalokohan talaga ng mga 'to. The atmosphere is truly merry.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Prince at eksaktong nakatingin din palasiya sa akin kaya nagtama na naman ang paningin namin. Nauna na naman niyang binawi ang titigan namin at tinutok ang pangingin sa harapan.

"Laro ito na kinakailangan ng boy at girl na magpartner. Ang mga bowl na ito ay naglalaman ng mga pangalan ninyong lahat. Ang mabubunot namin ang siyang magiging magka-partner. Sampung pareha lang ang mapipili. Ang hindi mapipili ay better luck next time nalang." Mahabang paliwanag ni Kate.

Napalunok ako ng ilang beses, may ideyang pumasok sa isip ko pero ayaw ko 'tong bigyang pansin. Ilang saglit pa ay nagsimula na silang magbunot ng mga pangalan. Nakahinga naman ako ng maluwang nang hindi natawag ang pangalan ko. may napili na silang siyam na pares, isang pares nalang ang kulang.

"Isang maswerteng pares nalang mga kaibigan." Nakangiting saad ni Kate habang bumubunot si BJ. "Prince and...?" saad ni BJ dahil si Kate ang bubunot ng babaeng kapareha niya. Pigil ang hininga ko sa mga oras na 'to. Please! "Prince and...Hannah." Nanlumo ako sa saad ni Kate.

"I think Hannah is not here today. Hannah?" saad ni Kate sa micropono. "Nagtext kasi siya kanina na male-late siya eh." Dagdag pa niya.

"So bubunot nalang ulit ako ng isa pa... at ang maswerteng makakapareha ni Prince ay...JESS!" tila nanalo naman si Kate ng lotto sa saya niya.

"Anyway, simulan na natin."

To be continued...

---

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon