B O N J O U R
Chapter 49
Jess POV
"Baby ko pagaling ka na, nandito na si Momma." Naiiyak kong saad habang hawak-hawak ang kamay ni Jai na natutulog sa hospital bed.
Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon dahil may ganitong mangyayari. Una kay Prince ngayon naman ay kay Jai. Pagkarating ko kanina sa building na tinitirhan ko ay nagulat nalang ako ng madatnan si Jasper sa tapat ng pintuan ko na kumakatok at laking gulat ko nalang ng ibalita sa'kin ang masamang balita na nangyari sa anak ko.Kaya naman dali-dali kaming pumunta dito.
Kinuha ko na din ang mga gamit ko sa unit na yoon dahil wala naman na akong balak na bumalik pa doon. Dito nalang ako sa anak kong alam kong kailangan niya ako. At hinding-hindi ko na siya iiwan ngayon.Buti nalang at naagapan ang dengue ni Jai at ang sabi ng doctor ay inumin lang muna niya ang gamot na nireseta sa kanya at tinusukan na din siya ng kung ano-ano.
"Mo-momma. You're here." nakangiting saad ng anak ko ng magising siya. Niyakap ko naman agad siya habang hinahalikan ang ulo nito.
"Yes baby ko. Hinding-hindi ka na iiwan ni Momma." Saad ko saka pinunasan ang mga tumulong luha mula sa mga mata ko. "Kaya pagaling ka na ah para makauwi na tayo." Dagdag ko pang saad.
"Momma napanaginipan ko po si Dada kanina. Sinusundo po niya tayo. Momma, I miss Dada so much na po. Kailan siya babalik?" malungkot na tanong ni Jai
"Ah baby kasi hindi na babalik sa atin ang Dada mo. Pag laki mo maiintindihan mo din ang lahat. Pero sa ngayon tayo nalang, diba happy naman tayo no'ng si Momma lang ang kasama mo!" saad ko din"Gutom ka ba baby? Anong gusto mong kainin? Magpapabili tayo kay Tito Jasper mo." tanong ko sa kanya. Pero umiling lang siya.
"Baby I'm sorry, hindi ko naibalik si Dada sa'tin. Ginawa ko naman ang lahat pero—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bumukas ang pintuan saka pumasok si Jasper pero parang may hinihintay pa na pumasok.
"Ate may bisita kayo." Nakangiting saad ni Jasper. At laking gulat ko nalang kung sino ang pumasok."Prince?" bulong ko. Pumasok na siya habang nakatingin sa'kin pero binaling din ang tingin kay Jai. May dala siyang isang malaking basket na maraming lamang iba't-ibang prutas.
"DADA!" masigla naman saad ni Jai sabay lahad ng mga kamay niya para magpayakap sa ama.Kinuha naman ni Jasper ang dali ni Prince saka tuloy-tuloy na nagpunta sa anak namin para yumakap din.
"Hi baby! How are you feelin'?" saad si Prince habang magkayakap pa din sila.
"I'm not good kanina po. Pero nandito ka na Dada, better than good na po ako." Sagot naman ni Jai. Habang ako nakatingin lang sa kanilang dalawa.What's happening? Bakit nandito si Prince? Now I realized that he knows something. That maybe he remembered everything.
---
Dalawang araw pa ang nakalipas at linabas na namin si Jai sa ospital. Sabi ng doctor napaaga pa daw ang pagrerecover niya dahil daw sa masaya ang bata. Ngayon ay nandito na kami sa bahay at hindi ko din alam kung bakit pa nandito si Prince. Hindi ko pa din siya kinakausap simula ng dumating sa dito. Kapag magtatangka siyang kausapin ako, magsasalita agad ako o kaya ay iiwan ko siya. Galit pa din ako sa kanya. Sa mga sinabi niya bago ako umuwi dito sa probinsya.
"Pa, huwag ka ng makigulo sa kanila. Kaya na nila yun, maya-maya sasakit na naman yang likod mo sige ka." Saad ko ng makitang naka suot ng pang-magsasasaka 'tong si Papa. Anihan na naman kasi sa palayan namin at nakikisalo na naman siya sa mga Gawain ng mga magsasaka.
"Anak kaya ko pa, tsaka hindi naman ako sasaka, susubaybayan ko lang sila. Ikaw bakit napapansin kong iniiwasan mo si Prince? Nag away ba kayo?" tanong niya. Alam kasi ni Papa ang tungkol sa pagpunta ko sa Manila dati at alam din niya ang nangyari kay Prince. Pero wala pa akong naikukwento sa kanila sa mga nangyari sa'kin sa Manila.
"Teka nga pala Pa. Bakit dito yan tumutuloy?" tanong ko din.
"Bakit, masama bang tumira dito ang ama ng apo ko? Matitiis mo bang malungkot ang anak mo?" saad ni Papa saka tumingin kay Jai na kalaro si Prince ng hindi ko alam kung anong nilalaro nilang mag-ama.
"Anak, kung ano man ang nangyari sa Manila. Kalimutan nyo na 'yon. Nandito na kayo sa probinsya dapat ay iniwan nyo na kung ano man ang nangyari sa Manila. Isipin mo ang anak mo anak." Saad ni Papa bago tuluyang sumakay sa kalabaw niya.Naiwan lang ako doon kaya naman pumunta ako mahabng bangko sa ilalim ng puno ng mangga saka umupo doon habang nakatingin sa malawak na palayan.
"Jess." Napatingin ako sa nagsalita pero binawi ko din at binalik ang tingin ko sa malayo. Ramdam kong umupo siya sa tabi ko pero pinabayaan ko lang.
"I'm sorry." Mahina niyang saad. "Sorry Jess, sa lahat." Ulit niya at halata mo ang sinsiredad sa tono ng mga salita niya kaya naman ay nakikinig lang ako. "I'm sorry for such a jerk, a coward to all the things. Alam kong galit ka sa'kin, sino ba namang hindi magagalit sa mga salitang nabitawan ko dati. At alam kong hindi mo pa ako mapapatawad ngayon pero sana dumating ang araw na mapatawad mo ako. Handa akong gawin lahat Jess. Babawi ako." Saad niya."Jess give me one more chance to make it up to you." Dagdag niyang tanong. Maya-maya ay mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Teka, nagtatanong ba siya? Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya?
"Jess one more chance, just one more try please!" makaawa niya. Tumingin ako sa kanya at nakipagtitigan sa mga mata niyang kanina ko pang nararamdamang nakatingin sa'kin."Please?" saad ulit niya.
"Okay." Yan lang ang lumabas sa bibig ko.
"Okay?" tanong ulit niya kaya tumango lang ako.Nagulat lang ako ng bigla niya akong halikan sa labi. It was just a smack pero nagulat pa din ako.
"Thank you, this time hindi na ako magsasayang ng panahon. Kukunin ko ulit ang loob mo, pati puso mo at hindi ko na isasauli sa'yong muli." Saad niya saka tuluyang tumakbo pabalik kay Jai at Jasper na naglalaro ng kung ano.Napangiti nalang ako. Loko talaga, binigyan ko lang ng chance nakahalik na agad.
At anong sabi niya? 'Kukunin ko ulit ang loob mo, pati puso mo at hindi ko na isasauli sa'yong muli.' Duh! Dati na kayang na'sayo, hindi mo pa nga nasosoli sinaktan mo na.
To be continued...
----
mayiieee14
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...