[Ten]

4.8K 113 0
                                    

B O N J O U R

Chapter 10

Jess POV

Hapon na, but I am still here at the library for almost an hour. And I didn't saw Kate for the rest of the day and that was strange. Kate never cut classes pero ngayon... ewan ko ba doon. Ganon kasi talaga kami ni Kate, palipasan oras namin ang umupo sa library at magbasa ng kung ano-anong libro.

Hindi ko rin nakita ngayong araw na 'to si Prince. Dala ko na din ang damit at heels na suot ko kahapon para ibalik sa kanya gaya ng sabi ko sa kanya kahapon. Andito lang 'yon, and Im pretty sure na magpapakita din yun mamaya.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagkalipas lang ng ilang minute ay umupo sya sa harap ko.

"Let's talk" sabi nya na nakatitig sa'kin.

Tumingin ako sa kanya at inirapan lang sya. Anong akala nya sa'kin? huh! Dinampot ko ang paper bag sa baba ko, and I was about to give it to him when suddenly someone approached him. Si Bacon John or BJ, ang lalaking kinababaliwan ng bestfriend ko. Talagang gwapo nga ito kaya hindi ako nagtataka na kinababaliwan ng mga babae. 'yon nga lang, mukhang hindi nya magugustuhan ang aking kaibigan. He is the president of the student council and the most intelligent student in the whole school. He is also the ultimate sportsman and most of all, he's rich. Apo sya ng magmamay-ari ng eskwelahang ito.

Ano naman kaya ang relasyon nya kay Prince?

"Don't forget the family dinner later." Sabi ni BJ kay Prince.

"Yeah, I know!" bale-walang sagot ni Prince.

Napatingin sa'kin si BJ pero agad din nyang binawi at umalis na. Sayang talaga ang pagka-gwapo nya dahil sobrang suplado nya.

Sinundan ko sya nang tingin hanggang nakalabas sya ng pinto. Ano ba ang nakita ni Katiebelle doon at apat na taon na nya itong ini-stalk?

"Do you like my cousin?" napatingin lang naman ako sa nagtanong. May tao pala sa harap ko.

"Cousin? He's your cousin?" tanong ko ulit.

"Yes, why? So you like him?" tanong nya habang magkasalubong ang mga kilay nya. Iniisip nya siguro na may gusto ako sa pinsan nya gaya ng karamihang babae dito.

Bakit nga ba hindi ko agad naisip 'yon. Apo si BJ ng may-ari netong eskwelahan na 'to na si Marcos Aguilar na kaapilyedo netong lalaking 'to. So talagang napakayaman ng mayabang na 'to. Kaya pala ganyan nalang sya makaasta, like a brat. No, brat talaga.

"I'm just asking" sabi ko nalang. May naisip ako,,, at sigurado akong matutuwa si Katiebelle ne'to. Wala naman sigurong masama kung magtanong ako ng kaunti tungkol sa pinsan nya diba?

"Okay" sabi nya.

"Well, since you are his cousin... what does he like in a girl?" hindi naman para sa'kin 'to para mahiya ako.

"Why are you asking? So you really like him huh?" para syang nagseselos na boyfriend sa inaasta nya. weird.

"Ano bang pakialam mo? Pwede bang sagutin mo nalang ang tanong ko." inis ko ding sabi. Ako kasi yung taong kaunti lang ang pasensya eh.

"Well, he likes beautiful women. The model type, you know. Tall, white-skinned, sexy, cute and amazingly beautiful when smiling. So, he won't like you." Maanghang nyang sabi na tila may makahulugang salita.

"Wala akong gusto sa kanya. Well a bit, crush lang, sino bang hindi magkakagusto sa kanya. And I'm just asking on behalf of my friend. Ang kaibigan ko ang may gusto sa kanya" inis kong sagot sa kanya dahil naiinis ako sa kanya. Oo, alam kong hindi ako maganda, pero wag naman sana nyang ipalandakan sa'kin.

"Oh, really?" parang hindi pa sya makapaniwala sa sinabi ko.

Akmang sasagutin ko na naman sana sya ng kalokohan nang biglang dumating si Kate. Pabagsak syang umupo sa tabi ko na naka-busangot na parang bata, hindi ata nya napansin si Prince na nasa harap ko.

"Jess, nakita ko kanina si BJ na hinahalikan 'yong date nya!" she looked like a total kid, parang konti nalang ay tutulo na ang mga luha sa mata nya.

Siguro kung wala lang si Prince dito, kanina pa ako humahalagpak sa tawa. "So kaya ka pala wa la ka maghapon dahil sinusundan mo pala 'yong pinakamamahal mo?" sabi ko nalang na natatawa.

Kukunin ko na sana ang panyo ko sa bag ko nang unahan ako ni Prince, inabot nya it okay Kate at kinuha naman agad ng bruha. Nagulat pa ata sya at napatingin sa'kin na pabalik-balik ang tingin sa'min ni Prince.

She just blew her nose on his hankies. "Eew" mahina kong tugon.

"Thank you." Matipid nyang sabi.

"No worries, hey, I'm—" pinutol naman agad ni Kate ang sasabihin ni Prince.

"Kilala na kita." Putol ni Kate.

"Ahm... ganon ba?" sabi lang naman ni Prince.

"Ako nga pala si Kate." Pakilala ni Katiebelle sa sarili nya kay Prince. At nagkamayan pa sila sa harap ko na parang nangaasar lang.

Bago pa pasukin ng masamang hangin ang isip ko, dinampot ko na ang paperbag at nilagay sa harap ni Prince. Nagtataka naman ne'tong sinilip ang laman non.

"Tara na Katiebelle." Sabi ko at nanuna nang tumayo at naglakad papalabas ng library.

Sumunod sa'kin si Kate pero nagpaalam rin syang may pupuntahan muna. Wala na akong nagawa kung hindi umoo.

Ilang minute pa akong naglalakad papunta sa sakayan nang jeep nang naramdan ko na tila may sumusunod sa'kin... bigla akong kinabahan, baka mamaya totoong may mangidnap na sa'kin. Napatingin ako sa likod ko pero wala namang ibang tao bukod sa mga estudyanteng naglalakad din. Kaya naman binilisan ko lang ang naglakad, tumingin ulit ako sa likod ko at nakita ko lang naman ang lalaking pinakaiinisan ko...

Nang bigla akong may naisip....

To be continued...

----

(Meet BJ at the Multimedia..)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon