[Fourteen]

4.5K 120 4
                                    

H E L L O

Chapter 14

Jess POV

I had been here for an hour. Tanaw ko dito sa kinaroroonan ko ang buong paaralan. Kapag gusto kong mag-isip-isip, dito ako pumupunta sa rooftop. Si Kate lang ang nakakaalam kapag nandito ako at gustong mapag-isa.

Nandito ako dahil gusto kong mag-isip-isip. Obviously! Oo, siya na naman! Palagi nalang siya, nakakainis na! bakit niya ako hinalikan. I am twenty years old, yet it was my first time to be kissed by a man! He was my first kiss!

Honestly, I couldn't think straight or should I say I couldn't really think. Gusto kong matawa sa iniisip ko. Parang kailan lang,,, pinagtatabuyan ko siya pero ngayon...

Natatakot akong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya although wala pa naman. Pero sigurado ako na may special feelings ako para sa kanya at iba na 'yon. It was stronger than attraction

At ang labis kong kinakatakot ay ang katotohanang magkaiba kami ng mundo. Nasa kanya na ang lahat at kabaliktaran kami kung ano ang meron siya. Hindi pa rin maalis sa utak ko 'yon. At bakit ko ba iniisip 'yan, eh wala namang 'kami'!

Oo ilang beses na niyang sinabi sa akin na gusto niya ako. Pero hindi pa rin maalis sa utak ko na maraming nagkaka-gusto sa kanya at babaero siya. Nasaktan na nga ako nung una palang diba? Hindi ko siya kilalang lubos at ayon sa sinab ni Kate isa siyang 'Prinsipe' dito sa paaralang ito.

Hindi ko naman kasing ugaling pakiaalaman ang mga bagay na ganyan dito sa paaralan namin. Ang importante lang sa'kin ay makapag-aral ako at makapag-tapos. Si Kate lang talaga ang nang-chi-chismis sa aking kung anong balita dito sa skwelahan namin at minsan hindi din ako nakikinig sa mga sinasabi nya.

"Are you thinking about me?" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses. Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses na iyon. And there he is, smiling at me again.

Nakasandal siya sa railings. And he looked scrumptious. Wearing a tight-fitting pants and a body-hugging polo shirt. On his feet was a pair of camouflage converse. He looks like a model. Wala pa akong nakita at matandaan na suot niya na hindi bumagay sa kanya.

Napitlag lang ako nang magsimula siyang humakbang papalapit sa kinaroroonan ko hanggang sa papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin. Napapaatras naman ako ng wala sa oras dahil sa binibigay niyang tensyon. Parang may electricity na galing sa kanya na gustong pumunta sa'kin.

"What?" I tried to speak casual pero nanginginig na talaga ang aking mga kamay na humawak sa railings. At hindi din ako kumportable sa mga titig na binibigay niya.

"Why are you staring at me like that?" he asked with his eyes twinkling.

"Bakit? Paano ba kita dapat tignan?" tanong ko nang may makahulugan. I just felt uneasy. May mga bagay pang nagpupumilit sumiksik sa isip ko na ayaw kong i-entertain.

"Kung tignan mo kasi ako, parang mahal mo na ako eh." He proudly said with his smirked.

"W-what?" he hit a sensitive nerve in me. "No, I mean..." napalunok ako "Hindi kita mahal..." ninenerbyos ako habang sinasabi ko 'yan. At isama pa ang mga sistema kong nagrerebulosyon ngayon.

"Really?" at parang hindi pa siya kumbinsido sa sinabi ko. He smiled like he had just discovered a secret.

"Yup..." I just said regretfully. "Ba-bakit mo namang naisip na mahal kita?" hindi ko mapigilang maitanong.

"Wala lang." and he just shrugged.

Pasikreto kong kinapa ang dibdib ko. Para malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. "Prince—"

"Sabihin mo lang sa akin kung mahal mo na ako para masabi ko na rin sa'yo na mahal kita." He said na napatingin agad ako sa kanya. Did I heard it correctly? Did he just say he loved me? Nakatitig pa rin ako sa kanya tsaka naman siya humarap sa akin...

"There, I just said it." Napakamot pa sya sa batok niya. Tila nahihiyang bata ang kausap ko ngayon isama pa ang maganda niyang mata.

Binawi ko ang mga tingin ko sa kanya at lihim na napangiti. It felt good to hear from him to say that. And I saw a sincerity in his eyes while he was saying those words. At hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko.

Lumapit lang ako sa kinaroroonan nya, and I gave him a kissed on the lips. Smack lang 'yon ngunit tila milyu-milyong boltahe ang kumuryente sa akin. I just felt like it was the best thing to do.

Tila naman naestatwa lang siya sa pagkatayo sa kinaroroonan niya. He just stared me with his wide eyes.

I just smiled at him with my sweetest smile. "I have a meeting. See you." At bumilis lang ang lakad kong papalayo sa kanya kasabay ng ngiti sa aking mga labi at isama pa ang kumakabog na aking dibdib.

----

(Jess at the right side...)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon