[Eight]

5.1K 128 0
                                    

H E L L O

Chapter 8

Jess POV

Nandito na ako sa labas ng restaurant ngayon at saktong may jeep na pumarada sa harap namin kaya naman...

"una na ako" sabi ko at sasakay na sana sa jeep na nakaparada sa harap ng restaurant nang hindi man lang sya nililingon o hihintayin man lang ang sagot nya.

Nang bigla nya akong hilahin sa kapulsuhan sa kamay ko papasok sa nakaparadang itim na Mazda 3 sa tabi.

"Hindi mo na ako kailangan ihatid. Kaya kong umuwing mag-isa." Tsaka nya ako pilit na isinakay sa harap katabi ng driver's seat saka sinara ang pinto ng sasakyan at nagpunta sa kabilang pinto para pumasok.

"Who says I'm going to take you home?" nakataas ang isang kilay na tanong nya.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Just wait and see." Sabi nya tsaka pinaandar ang kotse.

"Itigil mo 'to, baba ako! I don't want to go with you!" medyo inis kong saad. Baka mamaya kung saan saan ako dalhin neto.

"I'll kiss you if you don't shut your mouth!" ganting bulyaw nya na ikinatahimik ko. Bakit kapag sya ang nagpapatigil sa'kin tumitigil ako agad agad?

I just zip my mouth and trying to keep myself to calm. Nakabusangot lang ako buong byahe. Wala rin naman akong magagawa, masyado akong takot na baka totohanin nya ang mga sinabi nya. Ilang saglit pa ay tumigil na kami sa parking area ng A&B Shopping Centre

Napakunot-noo lang ako. Ano namang gagawin namin dito sa ganitong lugar at oras?

Bumaba kami sa kotse nya at hiawakan ulit nya ako sa kapulsuhan sa kamay tsaka hinila papasok sa loob. Maraming tao at mga estudyante na naka-uniporme. Maraming estudyanteng nakatingin sa kanya pero hindi nya ito pinapansin. At ang mga tingin pa ng mga ito sa'kin ay parang papatay sila ng tao.

Tuloy-tuloy lang kami sa loob hanggang makarating sa isang malawak na boutique. Lalo akong naguluhan nang batiin sya ng mga saleslade at salesman na nadadaanan namin, 'Sir' ang tawag ng mga ito. Siguro regular na customer o suki sya dito. Sabi nalang ng utak ko.

"Ano ba talagang gagawin na'tin dito?" hindi na ako makatiis na kanina pang hinihila ng lalaking ito eh.

Sa halip na sagutin nya ang tanong ko.. hindi lang nya ito pinansin at kinausap nya ang saleslady na sumalubong sa'min.

"Dress her up." Utos niya.

"Yes, Sir" sabi naman ng saleslady "This way Ma'am." Sabi naman nya sa'kin.

Tinulak lang ako ni Prince para sumunod sa saleslady. Naguguluhan man ako sa mga nangyayari, go with the flow lang ako. Kung ano-anong damit ang ipinasukat sa'kin. ano 'to? Gagawin na ba nila akong modelo? Wala akong hilig sa mga ganitong damit. Oo magaganda ang mga damit na ito pero hindi ko talaga tipo ang mga ganitong damit. Hindi kasi ganito ang kinalakihan kong damit.

Isang tube-dress na pink minidress ang huling isinukat ko. Pinasuot din nila ako ng napakataas-taas na heels na ngayon lang ako makakapagsuot neto. Duh, nung nag-prom kami naka sketchers ako, eh sa long gown naman ah, hindi makikita kung ano ang suot mo sa paa, diba?

Pinaupo din nila ako sa harap ng napakaraming make-up at mga pabango. Minake-upan din nila ako habang inaayos ang buhok ko na kinukulot sa pagkakaalam ko.

Prince POV

Ako lahat ang pumili sa sampung damit na pinapasukat sa kanya. Alam kong babagay sa kanya lahat ng mga 'yon.

Umupo muna ako at nagtingin tingin sa magazine na nasa tabi ng upuan.

Minutes had passed...

Bumukas ang guest fitting room at niluwal ne'to ang napaka-gandang dyosa. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marealize kong si Jess itong kaharap ko.

She was pretty hot in this pink mini dress. Sinasabi ko na nga bang mas lalo pang mae-enhance ang ganda niya kung maaayusan lang ito ng tama. The dress suited her. Bagay na bagay sa kanya.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. She looked like a model. Sa tantya ko ay nasa six ft ang height nya dahil nadagdagan pa nang apat na pulgada dahil sa suot nyang heels. I didn't imagine that she was so sexy. Napakinis ang mga balat.

"Bakit ka ganyan makatingin?" nagising lang ako sa realidad nang nagssalita. Napatitig ulit ako sa mukha nya na nagpabalik sa'kin ng pangangarap. Her face was so innocent.

"Matutulala ka na lang ba dyan, ha Prince? Hindi ako komportable sa damit na 'to. Bakit mo ba pinapasuot sa'kin 'to?" inis nyang tanong. That's the one I liked her a lot, she was so cute when she's mad and irritated

"okay na ba lahat Ana?" tanong ko sa kanya. Sya ang store supervisor dito na pinagkakatiwalaan namin.

"Yes Sir." Sagot naman niya agad.

Inabot din nya ang mga shopping bag na naglalaman ng mga pinili kong mga damit kanina, tsaka ko pinasa kay Jess

Lumabas na kami doon at pumunta sa kotse habang walang imik. Nang malapit na kami sa kotse saka lang nagsalita si Jess....

"Can you explain everything what's goin' on? Parang wala ka kasing balak sabihin sa'kin kung para saan ang lahat ng mga ito." Sabi nya.

Napatawa lang ako sa sinabi nya "They're all yours honey. They're my gifts for you" sabi ko nalang.

"At bakit mo naman ako nireregaluhan? Matagal pa ang birthday ko" inis nyang tanong.

"I told you a couple of times that I like you, and I'm gonna get you no matter what." Lumapit ako sa kanya at nakipagtitigan.

"I'm pretty sure na magsasawa rin ako sa'yo after a couple of dates more, so let's make the most out of it. Lalo ka na." sabi ko lang. That's true, alam ko kasing hindi ako magkakagusto na isang tulad nya. At alam ko din ang habol nya kung naging kami na.

Tila nagulat ata sya sa sinabi ko at binitawan lahat ang mga dala nya sa harap ko. Ang ikinagulat ko lang ay sinampal nya ako nang napaka-lakas-lakas na tila pumaling pa ang mukha ko sa kabilang side.

"Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa'yo na layuan mo na ako. I promise, I'm going to kill you with my bare hands if you go near me!!" galit na galit nyang sabi "Wag kang mag-alala, ibabalik ko sa'yo ang damit na 'to bukas na bukas din." Then she walked away...

I don't want to say this but,,, i felt a bit pain in my heart. What did I say?

---

(Jess' dress at the Multimedia..)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon