[Twenty-five] The New Beginning

4.2K 106 12
                                    

A N N Y E O N G

Chapter 25

Jess POV

"Momma, hindi pa po ba tayo uuwi? Wala ng tao oh." Yan ang ayaw ko kapag kasama ko ang anak ko dito sa pagmamay-ari kong Gym Fitness. Nagpumilit kasi siyang sumama kanina kaya pumayag ako, total sabado naman ngayon at wala siyang ginagawa sa bahay. Nagsasawa na daw siya sa mga pagmumukha ng mga kuya niya.

"It's too early to go home baby. Why? Are you scared?" lokong tanong ko tsaka tinignan siyang nakatingin sa madilim na labas ng bintana.

"No. I'm just.. just... just miss Kuya Jeric." Palusot niya. Duh, kilala ko tong anak ko noh.

Inayos ko na lang lahat ng mga pwedeng ayusin sa table ko. Kinuha ko na nag bag ko tsaka lumapit sa kinaroroonan niyang sofa at nakitabi sa kanya.

"Tara na nga. Are you hungry? Should we go to McDo or Jolibbee?" lumiwanag naman ang mga mata niyang sumalubong sa mga mata ko.

"Really Momma? I want a chicken from Jolibbee. Yaaahy, let's go na?" tsaka tumayo na ang lolo niyo.

He's Jai short for Prince Jairus Navarro, my son. He's turning 5 this December. Napaka-kulit na bata, malambing kapag may kailangan pero masunurin at mapagmahal sa amin lahat. And one more special thing about him, he really looks like Prince, my Prince.

Isinara ko na ang pinto ng Gym at ibinaba at rehas tsaka kinabit ang lock nito.

"Ninang..." napatingin lang ako kay Jai at sa tinawag niyang 'Ninang'

At tama nga ako, sina Kate at BJ, kasama ang tatlong taon nilang panganay na babae. Matagal-tagal ko na din silang hindi nakikita at nakakasama, limang taon na mula nung ikasal silang dalawa.

"Hello inaanak. Kumusta ka na?" tanong ni Kate kay Jai at hinalikan ang kanyang inaanak. Habang si BJ naman buhat buhat si Stephanie dahil mukhang may tantrums ang bata.

"Okay lang po." Sagot naman ni Jai.

Yumakap lang ako sa kanya dahil matagal-tagal din kaming hindi nagkita. As I said, alam niya ang nangyari sa akin dati, maybe alam na din ng asawa niya pero hindi naman sila nakiaalam sa buhay ko o buhay namin. Nanatiling sekreto , lalong lalo na ang tungkol sa anak namin.

"At ano namang masamang hangin ang nagpapunta sa inyo dito?" birong tanong ko.

Tumawa lang sila. "Well, as usual, you're invited to our anniversary." Malambing na saad ni Kate tsaka yumakap pa sa asawa nito.

Napatampal nalang ako sa noo ko. "Ahy oo nga pala!"

"Masyado ka na kasing busy sa Gym at negosyo mo." nagtatampong saad ni Kate. Last year kasi hindi ako nakapunta dahil busy ako.

"Oo nga," sang ayon naman ni BJ "You should take a break Jess." Dagdag pa ng asawa niya.

"Pasensya na. pero tatry ko talagang pupunta." Sabi ko naman.

"Momma, I'm hungry." Napatingin naman kami na kumalabit na si Jai na nakayakap sa binti ko.

"Yes baby, wait a second." Sagot ko naman agad.

"So, may balak ka pa bang sabihin kay Prince ang tungkol sa kanya?" bulong ni Kate tsaka nginuso si Jai na nakayakap sa binti ko. Nanlumo lang ako sa tanong niya, dahil ako mismo ay hindi alam ang isasagot.

"Oo nga Jess, hindi habang buhay ay maisesekreto mo yan. May karapatan din siyang malaman at makikila 'yan." Sang-ayon naman ni BJ at nginuso din si Jai. Napatingin lang ako sa anak ko.

"Hi-hindi ko din alam. Maybe someday, kapag napatawad na niya ako." Sagot ko nalang.

"Cge una na kami, dumaan lang talaga kami para ipaalam sa'yo ang party sa resort namin, wag kang mawawala ah." Sabi ni Kate tsaka yumakap ulit sa akin. Tumango lang naman si BJ sa akin kaya tumango lang ako at ngumiti.

"And Jess. Maybe next week Prince will be here again." habol ni BJ bago sila tuluyang naglakad papunta sa sasakyan nila.

Napatulala lang ako sa sinabi ni BJ. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o ano. Pagkalipas ng limang taon, babalik ulit siya. Magkikita ulit kaya kami? Anong gagawin ko? Should I tell him about Jai?

"Momma!" napitlag lang ako sa galit na tono ng anak ko na tila ba nagtatampo na iyo.

Yan din ang ugali niyang isa na hindi ko maalis alis, ang konti ang pasensya at mainitin ang ulo. Hindi ko nga alam kung saan niya namana, maybe sa akin.

"Ahy tara na po." Sabi ko nalang at dumiretso sa nakapark na kotse ko.

Pinasakay ko sya sa back seat at nilagyan ng seatbelt para safe, tsaka nagdrive na papunta ng Jolibbee.

Limang taon na ang nakalipas, pero parang kailan lang. parang kailan lang na hirap na hirap ako dahil sa pagkawala niya at lalong ko nang ikamatay ng malaman kong buntis ako noon. Nung una hindi ko alam ang gagawin ko. Buti nalang nanjan si Kate at ang mga kapatid ko pati na din si Papa.

Nang pinanganak ko si Jai, parang nabuhayan ulit ako. Bumalik ang determinado ko para mabuhay, mabuhay para hindi nalang sa sarili ko kung hindi para sa anak ko. Nagsimula ulit ako. Pumasok lahat sa trabaho na napasukan ko, araw man o gabi. Nang nakaraos raos kami, bumili kami ng bagong bahay. Grumaduate na din si Jasper ng Architecture at kaka-umpisa lang naman niyang mag trabaho sa napasukan niyang companya. Pinatigil na din namin si Papa sa pagtatrabaho at tinuloy nalang niya ang Flower Shop na naumpisahan ko dati.

Nakabili na ako ng bahay namin, kotse ko, napag-aral ko na din ang isa kong kapatid. Masaya na din ako sa kung mayroon ako ngayon, pero parang may kulang pa din. Si Prince.

----

(Meet Jai at the multimedia, so cute...)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon