[Fourty-eight]

3.7K 93 4
                                    

N I H A O

Chapter 48

Jess POV

Gaya nga ng utos ng Prinsipe dapat ay nandoon na ako ng alas-syete. Kaya naman ala-sais bente palang ay nandito na ako sa labas ng unit ko naghihintay ng taxi dahil konti palang ang jeep ngayon dahil maaga pa.

Napahikab nalang ulit ako dahil kulang na kulang ako sa tulog dahil sa kaiisip kung ano ang sasabihin at itatanong niya sa'kin mamaya. Pero bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari? Sana wala naman.

Nakarating ako sa building ng kompanya ng eksaktong ala-sais kwarentay-nuebe. Konti palang ang tao sa loob dahil sobrang aga pa. pumasok na ako sa elevator at nakarating naman agad sa level ko. nilapag ko ang dala kong bag sa lamesa ko saka sumilip sa opisina ni Prince kung nandon na siya.

"Belle, no.. wait!" may kasama ba siya sa loob? May kaaway siya? Baka kung anong mangyari sa kanya.

"Hon, come on. Parang—" hindi natapos ang sasabihin ng babae ng binuksan ko ang pintuan ng opisina ni Prince at laking gulat ko nalang sa nakita ko at parang gusto ko ng maglaho. May babaeng nakakandong sa mga hita ni Prince habang nakapulupot ang mga kamay nito sa leeg ni Prince.

"So-sorry."  Saad ko nalang saka sinara muli ang pintuan.

Gosh! Kung ito lang naman ang madadatnan at ipapakita ni Prince sana hindi nalang ako nag-abalang pumasok ngayon. Nakakainis!

Umupo nalang ako sa upuan ko para makapag-isip kung anong gagawin ko ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Prince sa likuran ko.

"Mayang lunch sabay tayo ah. I'll wait for you at the same restaurant baka kasama ko si Mommy Kharia."  Saad ng babae at muling hinalikan si Prince sa labi saka tumingin sa'kin na mukhang sinusuri ako at inirapan ako bago tuluyang naglakad papunta sa elevator.

"Come to my office." Saad ni Prince. Sumunod naman agad ako sa kanya.

"Pasensya ka na kanina. Hindi ko naman—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Cut the crap Miss Navarro. Alam ko na kung bakit ka nandito. Why? Why are you doin' this?"  galit niyang saad

"Huh? Ano bang sinasabi—"  hindi niya ulit ako pinatapos magsalita

"Huwag ka ng mag maang-maangan. Para makuha na ako ng tuluyan? Dahil dati hindi ako naging buo sa'yo? At hindi mo matanggap 'yon? Ganyan ka na ba kadesperada para makuha ulit ako? You're such a gold-digger. Tama nga ang sabi ni Mom, na isa kayong mahirap na gagawin ang lahat para—"  hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil lumipad na ng kanang kamay ko sa pisngi niya.

At alam kong naguunahan na ding tumulo ang mga luha ko na kanina pa nagtitimping mahulog. "Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko. sa pinagdaanan namin ng pamilya ko dahil sa Mommy mo."  una kong saad.

"Oo alam kong wala kang maalala Prince pero sana naman huwag kang makinig sa iba at paniniwalaan na sila agad. For God sake Prince matalino ka naman, may mga taong nakapaligid sayo na dati ka ng kilala bakit hindi mo sila tanungin. Si BJ alam niya lahat." Huminga muna ako saka nagpahid ng mga luha.

"Ayoko na. Nakakapagod din palang magmahal. Nakakapagod din palang maghintay sa wala. Napapagod na ako Prince. Sa lahat ng pinagdaanan ko, ng pinagdaanan na'tin dati, sumusuko na ako. Ayoko na talaga."  Tuloy-tuloy pa din ang mga luhang tumutulo sa mga mata ako na para bang hindi nauubusan ng tubig.

"I'm resigning here. I hope you'll find your happiness. Makaalala ka man o hindi hangad ko pa rin ang kaligayahan mo. Salamat."  Tanging saad ko saka tuluyang lumabas na sa opisina niya. Kinuha ko agad ang bag ko tuluyan ng umalis doon.

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon