"So, one on one discussion muna tayo today."
Panimula ni Gunner. Kaming dalawa lang dito sa Section X study area. Nakaupo ako sa couch na kaharap siya. Tapos ay may ilang books na nasa table namin.
"Ano namang idi-discuss mo sa'kin?" tanong ko.
"Well, tungkol ito sa history ng Unholy spirits. Para may idea ka tungkol sa mga kalaban natin at kung gaano na namin sila katagal na pinupuksa."
Bumuntonghininga siya, "Si Jerome dapat ang gumagawa nito dahil siya ang tandem mo. Pero sa huli, sa'kin pa rin ang bagsak. Hay nako."
Natawa ako nang kaunti, "Okay lang 'yan, Gunner. Isa pa. . ."
Umiwas ako ng tingin, "Tingin ko, hindi siya capable para mag-discuss. You know? 'Yong personality niya." Tapos tumawa ako nang pilit.
Napakamot siya sa batok, "Sa bagay, may point ka. Parang ikamamatay ni Jerome ang pagsasalita."
'Yong apat na lalaki ang umangat sa Earth para gumawa ng mission. Habang kami rito ni Gunner ay may one-on-one discussion base na rin sa utos ni Mr. Smith.
Nagsimula na siyang magbuklat-buklat ng mga reference sa table.
"Okay, simulan natin sa. . ."
"Heto," sambit niya sabay may kinuha siyang book. Isang lumang book na may makapal na cover na gawa sa tela na kulay red at may kakapalan din ang pahina.
"History of Unholy Spirits' Origin." Pagkatapos ay binuklat na niya 'yong book.
"Ang Unholy spirits ay nagsimula bilang isang sumpa o curse. Sumpa siya sa sanlibutan na magpapahirap sa lahat ng klase ng nilalang dito sa mundo," panimula niya.
"Nagsimula ang lahat a thousand years ago. At sa loob ng ilang siglong pag-aaral, may nabuong tatlong theories kung paano o saan nagsimula ang mga Unholy."
"First theory. Unholy spirits ay mga mapaminsalang nilalang na ginawa ni Cronus. Si Cronus ay isa sa twelve Titan gods at ang ama nina Zeus, Poseidon, at Hades. Nagpadala siya ng gano'ng klaseng nilalang sa bawat panig ng mundo para iparating ang paghihiganti niya sa mga anak niya na mga nagrebelde against him."
"Si Zeus and diyos ng kidlat at ng Olympus. Si Poseidon ang diyos ng karagatan, at si Hades naman ang diyos ng Underworld," paliwanag pa niya.
Napaawang naman ang bibig ko, "So, totoo pala ang gods and goddesses sa mythology?"
Ngumiti si Gunner, "Hindi ba?"
Nandilat ang mga mata ko, "Wow. Akala ko mythology lang sila kagaya ng pinag-aralan namin sa school noon. Wow."
"Second theory. Si Tartarus."
"Sino naman 'yon?" tanong ko.
"Si Tartarus ang tinaguriang punisher dito sa Underworld. Or in other words, siya 'yong tinatawag na 'Satanas' ng mga tagalupa."
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasy[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...