1.XXXII: Ground Ekaton Ena

982 44 4
                                    

Naglalakad-lakad kami ngayon sa isang syudad at galing pa kami sa railway station

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglalakad-lakad kami ngayon sa isang syudad at galing pa kami sa railway station.

Habang naglalakad naman ay hindi ko maiwasang igala ang paningin ko. Nakakamangha kasi ang pagiging makulay ng paligid.

Kahit pa dark colors pa rin ang gamit, mas lamang naman ang iba't ibang kulay kaysa sa kulay iitm.

Medieval Scandinavian ang estilo ng mga gusali na ginamit sa ground na 'to. Mukha itong mga binaligtad na bangka ng mga Vikings.

Pahaba ang pagkakatayo sa mga gusali, malaki at patatsulok naman ang mga bubong nito, kalimitang gawa sa kahoy ang mga ito, at parisukat din ang lahat ng mga pinto at binatana.

May mga puno sa tabi ng kalsada, sa bandang sidewalk kung saan kami naglalakad ngayon. Tapos 'yong mga gusali ay gawa sa mga hollow block bricks. Para bang countryside ang estilo ng lugar na 'to.

'Yong mga taga-rito naman ay mga elf at karaniwan lang ang hitsura nila. Pinagkaiba nga lang ay mahahaba't patulis ang kanilang mga tenga, kulay asul ang kanilang mga mata, at ginger red and kanilang mga buhok.

"Saan na tayo pupunta? Gusto ko nang magpahinga," reklamo bigla ni Ryker.

"Hahanap tayo ng sakayan ng kalesa. Tapos maghahanap tayo ng murang wooden cabin," sagot naman ni Klein.

"Saan naman tayo makakahanap ng murang wooden cabin?" usisa muli ni Ryker.

"Itatanong natin sa kutsero. Siguradong doon nila tayo ibababa," sagot ni Klein.

"Oh, ang daming nakaparadang kalesa ro'n oh," sambit bigla ni Xavier sabay turo sa 'di kalayuan.

Pagkatapos ay nagtinginan nga kami sa gawing tinuturo ni Xavier at sabay-sabay kaming nagtungo roon.

"Excuse me. Puwede niyo po ba kaming dalhin sa mumurahing wooden cabin na puwede naming tuluyan?" pakiusap ni Klein sa mga kutserong nakatambay dito.

"Murang wooden cabin? Tamang-tama, may alam ako."

Napatingin kami sa sumagot sa amin. Isang kutserong elf na medyo may edad na.

"Puwede niyo po ba kaming dalhin do'n?" tanong muli ni Klein.

"Oo naman. Tara," pagpayag naman ng kutserong elf.

Pagkatapos ay pumuwesto na ito sa charioteer seat sa bandang likuran ng kabayo. Pagkatapos ay pumasok na rin kami sa loob ng kalesa.

Kulay itim ang kanyang kalesa at hugis pahaba ito. May pahabang upuan ito sa magkabilang panig at meron ding bintana na puwede mong dungawan habang nasa biyahe. Tatlo kami sa isang upuan kaya okupado na namin ang buong kalesa.

Mayamaya lang ay tumakbo na rin ito.

"Mukhang hindi kayo taga rito, ah. Mga turista ba kayo?" usisa bigla ng kutsero na nasa bandang unahan namin.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon