[ COMPLETED ]
FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES
Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ngunit bago ang lahat," sambit ni Alessia.
"Jerahmiel, bakit may pulso ka?" seryosong tanong nito sa kapatid.
Nandilat naman ang mga mata ni Jerome at tila hindi niya alam ang kanyang isasagot.
Napakunot naman ang noo ni Zinnia at agad na hinawakan ang kamay ni Jerome, at inilapat niya ang isa niyang kamay sa dibdib nito.
"Oo nga, 'no? Mainit na ang mga kamay mo at tumitibok ang puso mo. Ngayon ko lang 'to napagtanto," aniya.
Hindi naman makatingin nang deretso si Jerome kay Zinnia at mukhang hindi pa rin niya alam ang isasagot niya sa kanila.
Nagulat naman kami nang biglang tumingin si Zinnia sa gawi namin nang may nanlilisik na mga mata.
"Sino sa inyo ang master ni Jerahmiel?" nanggigigil nitong tanong.
Nandilat ang mga mata ko sabay lunok. Pakiramdam ko nangilabot ang buong pagkatao ko dahil sa mga titig niya dahilan kaya't nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Napasinghap naman ako nang biglang lumapit sa'kin si Zinnia.
"Ikaw ba?" seryosong tanong nito habang pinanliliskan ako ng mga mata.
Hindi naman ako nakasagot agad dahil pinangunahan ako ng takot. Nandilat ang mga mata ko nang mapansin kong itinaas niya ang isa niyang kamay na may mga matutulis na kuko at tila aatakihin niya ako gamit ang mga 'yon.
Ngunit ilang sandali lang ay pinigilan ni Jerome ang kanyang kamay. Napatingin si Zinnia sa kanya na tila hindi makapaniwala.
"Totoo nga, Jerahmiel? Itong babaeng 'to ang master mo?" tanong sa kanya ni Zinnia habang pinandidilatan siya ng mata at halata ang pagkadismaya sa kanyang boses.
Dahan-dahang ibinaba ni Jerome ang kamay ni Zinnia at binitiwan. Isang katahimikan ang namayani sa paligid. Patuloy lang na nakatingin si Zinnia kay Jerome na tila naghihintay ng kanyang sagot.
"Bakit mo hinayaan? Bakit mo hinayaan na maging familiar ka niya?" nanggagalaiti nitong tanong.
Nananatili pa ring tahimik si Jerome na para bang naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari.
"Jerahmiel."
Natuon ang atensyon naming lahat kay Alessia nang tawagin niya si Jerome.
"Alam mo naman siguro kung paano aayusin ito, hindi ba?"
Nandilat ang mga mata ni Jerome, "Pero, Ate-"
"Alam mo naman siguro, 'di ba? Ang mga tulad natin na royal blood vampires ay hindi maaaring magkaroon ng blood contract, lalo na sa hindi natin kauri. Isa pa, mukhang malaki na ang pinagbago mo mula nang manirahan ka sa Elysium. Parang hindi na ikaw ang Jerahmiel na nakilala namin. Mukhang tuluyan na nilang nabilog ang ulo mo," sermon nito.