1.LX: The Conclusion

805 41 23
                                    

Agad kaming nagmadali ni Jerome na umakyat ng third floor ng palasyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad kaming nagmadali ni Jerome na umakyat ng third floor ng palasyo. Kahit medyo nadadapa-dapa ako dahil sa heels na suot ko ay hindi ko ito hinayaang maging hadlang kaya't hinubad ko ito at binitbit na lang muna habang tumatakbo kami paakyat ng hagdan.

Napahinto kami ni Jerome matapos naming makarating sa third floor at makita ang sitwasyon.

May mga kawal na nakabulagta sa sahig at walang malay. Habang si Duke Aenon ay pinalilibutan ng apat habang tinututukan siya ng kanilang divine artillery.

Dahan-dahan kong nilapag sa sahig ang heels ko at isinuot itong muli.

"Hades Sword." Lumitaw ito sa kamay ko matapos ko itong tawagin.

Pagkatapos ay lumapit na ako sa kanila. Natuon na ang atensyon sa'kin ng duke at napansin ko ang bahagyang pagdilat ng kanyang mga mata matapos niyang tumingin sa'kin.

Mayamaya naman ay tumawa si Duke Aenon.

"Mukhang magkakasabwat kayo na galing sa Underworld University. Ano ba talagang sadya niyo sa palasyo? May gusto ba kayong nakawin?" sambit ni Aenon na tila nang-aasar at pinagdiinan niya 'yong salitang 'nakawin'.

"Nais niyo ba ang mga mamahaling alahas at pigurin ko?" pang-aasar pa niya.

"Hindi namin kailangan ng mga mamahalin mong gamit, Your Grace," sagot ni Xavier.

"Ang pakay namin ay ang music box mo," sabad ni Ryker.

Tumawang muli si Aenon, "At aanhin niyo naman ang antique music box ko? Ah, alam ko na. Nadiskubre ninyo siguro ang kakahayahan ng bagay na 'yon kaya nais niyong makuha mula sa'kin."

"Tama ka sa sinabi mo na nadiskubre namin ang kayang gawin ng bagay na 'yon. Pero hindi talaga sa'yo ang bagay na 'yon. Nawawalang spellbound artifact 'yon na nagmula sa university at nandito kami para kunin 'yon," sambit naman ni Gunner.

Tumawa siyang muli, "Hindi ko sa inyo ibibigay ang antique music box ko. Akin 'yon," pagmamatigas pa ni Aenon.

Pakiramdam ko ay napipikon na ako kay Aenon kaya't mas lumapit pa ako sa kanya at inangat ang espadang hawak ko sabay tutok nito sa kanyang leeg. Nabigla naman ang lahat sa ginawa ko lalo na si Aenon na pinadidilatan ako ng mga mata at kita ko ang bahid ng takot mula sa mga ito.

"Ibigay mo sa'min ang music box at payapa kaming aalis dito. Huwag ka nang magmatigas pa kung ayaw mong tuluyan nang magdilim ang paningin ko sa'yo," banta ko sa kanya.

Sa totoo lang, bigla kong naalala si Meredith at doon ko hinuhugot ang nararamdaman kong galit ngayon para kay Aenon. Ayaw ko nang may iba pang babae na matulad sa kanya dahil lang sa pagiging makasarili ng duke na 'to.

Matinding tensyon ang namamayani sa paligid ngayon dahil mukhang nag-iisip pa si Aenon ng paraan para hindi sa'min maibigay ang music box.

"Sige, suko na ako. Ibibigay ko na sa inyo ang music box. Ayaw ko na ng gulo lalo na rito sa loob ng aking palasyo. Sige na, naroon 'yon sa aking silid. Kunin niyo na lang do'n," pagsuko ni Aenon.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon