Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Agad naman akong bumalikwas at nilibot ang paningin ko sa aking paligid.
Nandito pa rin ako sa waiting shed sa labas ng subdivision namin. Pero nag-iisa na lang ako. Parang kagabi lang, kasama ko rito si Jerome.
Anong oras kaya siya umalis?
Bigla ko namang naalala 'yong sinabi niya sa'kin na isa siyang vampire mula sa Underworld. Kung vampire nga talaga siya, mukhang 'yon ang dahilan kung bakit malamig ang katawan niya at wala siyang pulso. Isa pa, mukhang hindi naman siya masama.
At Underworld? Ano 'yon? Hindi ba doon napupunta ang mga namatay na?
Napailing na lang ako tapos ay napatingin ako sa katawan ko nang may napansin akong kung ano. Napataas ang kilay ko nang makita kong isa itong itim na jacket. Pagkatapos ay agad ko itong dinampot.
Umupo ako at ibinuka ang itim na jacket. Kung hindi ako nagkakamali, kay Jerome ang hoodie jacket na 'to. Bigla kong naisip na baka ikinumot niya sa akin ito kagabi. Napangiti tuloy ako nang hindi sinasadya habang tinitingnan ito.
Nagpapasalamat ako sa naging tulong niya sa'kin kagabi. Kahit pa ang sungit at suplado ng dating niya.
Napabuntonghininga naman ako nang malalim. Iniisip ko kung paano ko naman iraraos ang araw na ito. Saan ba ako pupunta? May pera akong kakaunti pero hanggang saan 'to makakarating?
Hindi na ako puwedeng bumalik sa bahay dahil alam kong ipagtatabuyan lang ako ulit nina Tita Gretchen. Mga damit ko lang at school bag ang dala-dala ko ngayon. Hindi ko nadala ang phone ko dahil tinago 'yon ni Tita.
Namasa-masa na naman ang mga mata ko at agad ko itong pinunasan gamit ang mga kamay ko. Tapos ay bumuntonghininga ulit ako nang malalim.
"Saan naman ako pupunta nito ngayon?" tanong ko sa sarili ko.
"Bahala na siguro," bulong ko sabay ngiti nang mapait.
Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng school bag ko. At doon ko tiningnan ang family picture namin. Wallet size copy ito ng picture na nandoon sa bahay.
Hinaplos ko ang masasayang mukha nila sa larawang ito. Sa larawang ito kung saan masaya pa kaming magkakasama.
Bigla kong niyakap ang picture nang mahigpit habang nakapikit para damahin sila kahit sa larawan lang. Miss na miss ko na sila, sobra. Ang luto ni Mommy, ang yakap ni Daddy, ang bonding namin bilang isang masayang pamilya- lahat 'yon.
Nahihirapan pa rin akong tanggapin na wala na talaga sila. Palagi kong iniisip na sana masamang panaginip na lang ang lahat.
Ilang sandali pa ay may bigla akong naisip. Alam ko na kung saan ako pupunta. Tama. Saan pa ba? Kung saan sila permenenteng namamahinga ngayon.
Agad kong pinunansan ang basa kong mga mata. Tapos ay dinampot ko ang mga gamit ko para makaalis na ako. Nagtitipid ako kaya't maglalakad na lang ako. Mga trenta minuto ang layo nito mula rito.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasy[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...