1.XX: Identity Revealed

1.2K 55 1
                                    

Nakakatalon-talon na ako sa mga climbing hold ng walang harness

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakakatalon-talon na ako sa mga climbing hold ng walang harness. Isang buwan na training ang nilaan ko para magawa ko 'to nang tama at maayos.

"Ngayon, subukan mong atakihin 'yong mga dummy gamit ang Hades Sword," utos sa'kin ni Jerome mula ro'n sa baba.

Sinunod ko nga ang sinabi niya. Tumalon ako mula rito sa itaas. Pagkatapos ay mabilis akong tumalon-talon sa mga climbing hold pababa para bumuwelo ng pag-atake.

Ngayon na.

"Hades Sword!"

Pagbanggit ko no'n habang bumabagsak mula sa ere ay lumitaw ang isang malaking espada sa kamay ko. Itinaas ko ito gamit ang dalawa kong kamay tanda ng isang pag-atake.

Nang malapit na ako sa dummy na target ko ay winasiwas ko na ang espada at nahiwa ko ang dummy. Winasiwas ko pa ito paikot sa ere sabay hampas sa bandang kanan, at nahiwa ang isang dummy. Inulit ko pa 'yon at nahiwa ko naman ang nasa kanan.

Kada may mapapatumba akong dummy, may pinalilitaw ulit si Jerome na iba pang dummy mula sa lupa. Paulit-ulit ang ginagawa ko. Winawasiwas ko nang buong puwersa at lakas ang espada ko para tamaan ang mga dummy na lumilitaw mula sa lupa.

Pabilis nang pabilis ang paglitaw ng mga dummy kaya't kailangan mabilis din ako.

Nang matapos ako sa daan-daang dummy ay hinapo ako at nabitiwan ko ang espada sabay naglaho ito na parang bula.

Napaluhod ako sa lupa habang hinahabol ang hininga ko. Napagod ako sa ginawa kong 'yon. Pagkatapos ay umayos ako ng upo sa lupa sabay nilapitan naman ako ni Jerome.

"Puwede bang break muna?" tanong ko habang hinahapo pa.

"Sige. Bumalik na tayo sa study area para kumain," sagot naman ni Jerome.

Napangiti naman ako sa naging sagot niya. Mayamaya lang ay napansin ko ang kamay niya na nakalahad sa'kin. Pagkatapos ay inabot ko rin ito at dahan-dahan niya akong hinila patayo.

Nagkatinginan muna kami sandali bago siya umiwas ng tingin at bitiwan ang kamay ko. Tapos ay nauna na siyang maglakad sabay sunod ko naman.

Nang makarating na kami sa study area ay nadatnan na namin do'n ang mga kasama namin na nagtipon na sa dining table.

"Oh, tamang-tama. Kakain na tayo ng lunch," sambit ni Gunner.

Naupo na kami ni Jerome sa bakanteng puwesto. May mga plato at kubyertos na namang nakahanda kaya naman nagsandok na lang kami ng kakainin namin.

Nasa gitna na kami ng pagkain ng kanin na may chicken curry nang biglang dumating si Mr. Smith.

"Hi, students! Aba, mukhang masarap 'yang pagkain niyo, ah," sambit niya habang nakatingin sa mesa namin.

"Hello, Mr. Smith," bati namin sa kanya.

"Sorry, Mr. Smith. Ubos na eh," ani Gunner.

"Na naman?" hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Smith na mukha ring nalugi.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon