[ COMPLETED ]
FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES
Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagpaputok nang maraming beses si Gunner paitaas habang tumatakbo siya nang mabilis sa harap ng isang pulutong ng Unholy para kami ang sundan nila.
Kasabay lang din niya kaming tumatakbo at kailangan malayo-layo na kami mula sa village.
Mayamaya lang ay mabilis na pumihit si Gunner paharap sa mga Unholy.
"Meteor Bullets!" sabay paputok niya ng kanyang Grannus Golden Guns sa isang Unholy sa mukha nito. Sumabog ang mukha ng Unholy na 'yon at mga mata rin nito ang naging target ni Gunner.
"Dancing Blades of Hell," sabay pinaulanan ni Jerome ng malalaking paarkong blades na gawa sa liwanag ang Unholy na inatake ni Gunner kaya't nahiwa ang mga parteng tinamaan nito at sumabog.
"Orb of Divine Light!" sabay tutok ko ng espada ko sa mga Unholy na kasunod ko. Naglabas ng malaking bola ng puting liwanag ang dulo ng aking Hades Sword at halos nalapnos ang mga balat ng Unholy na tinamaan nito.
"Flame of Raging Hell," sabay pinaulanan naman ni Jerome ng mga bolang apoy na kulay lila na nagmula sa kanyang Corinnaya Scythe ang mga Unholy na 'yon pagkatapos ay sumabog ang mga ito.
Naubos na namin ang mga Unholy sa harapan kaya't sinugod naman namin 'yong mga kasunod nila.
"Glacial Mage; Glacier Blades!"
"Storm of Lightning!"
Sabay na umatake sina Klein at Ryker. Bumaon sa katawan ng Unholy ang mga ice dagger na nagmula sa Njord Sceptre ni Klein, at tinamaan din ng arrow ni Ryker na nagmula sa kanyang Aeolus Bow. At dahil nagsama ang ice at lightning, sumabog ang Unholy na tinamaan.
"Crash of Earth Bound!" sabay buong lakas na inihampas ni Xavier ang kanyang Nerthus Warhammer sa lupa. At kasabay ng pagyanig ay nagkaroon ng bitak ang lupang inaapakan ng mga Unholy ay nag-angatan din ang naglalakihang mga bato nito na nag-umpugan at umipit sa mga ito upang madurog ang katawan ng mga Unholy.
"Flame of Raging Hell," sabay pinaulanan ulit ni Jerome ang mga Unholy na 'yon ng mga bolang apoy na kulay lila na nagmula sa kanyang artillery at natupok ang mga ito ng apoy nito.
Nang matapos na kaming muli sa batch na 'to ay 'yong sumunod naman.
"Crash of Earth Bound!" sabay inihampas muli ni Xavier ang kanyang artillery nang buong lakas sa lupa at nagbitakan na naman ito sa lupang inaapakan ng mga Unholy at naipit na naman ang mga ito ng mga nag-aangatang higanteng bato.
Sinamantala ko naman ang bitak-bitak na 'yon ng lupa at ibinaon ko rito ang dulo ng Hades Sword.
"Orb of Divine Light."
Pagkatapos ang puting liwanag na lumabas mula sa espada ko ay dumaan sa mga bitak ng lupa at lahat ng Unholy na tinamaan nito ay halos nalapnos ang mga katawan. At kasabay nito ay ang pag-atake ni Gunner gamit ang skill niyang Meteor Bullets na naging sanhi ng pagsabog ng mga Unholy.