1.XCVI: Mission Continues

742 33 0
                                    

Matapos mamatay ni King Vasilleous sa royal battle dahil kay Melinoe, nasa Oceanus Cathedral ngayon ang kanyang mga labi para sa isang public wake

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos mamatay ni King Vasilleous sa royal battle dahil kay Melinoe, nasa Oceanus Cathedral ngayon ang kanyang mga labi para sa isang public wake. At ayon sa batas, matapos mamatay ng isang lider mula sa royal battle, ang naiwan nitong pamilya ay aalis sa palasyo. Kaya naman ang royal family o ang pamilyang naiwan ni King Vasilleous ay titira sa kanilang ancestral house sa Ground Tria at nakatakda ang pag-alis nila sa palasyo pagkatapos mailibing ng dating hari.

At pag tuluyan nang nakaalis ang dating royal family, saka gaganapin ang coronation ceremony para sa bagong reyna na si Melinoe.

Nasa conference room kami ngayon ng royal palace. Isa itong malawak na silid na binubuo ng mga kulay na itim, pula, at ginto. Nagtipon kami ngayon sa conference table na kulay mahogany brown at gawa sa makapal na kahoy. 24-seater din ang mesa na ito.

Nakaupo si Melinoe sa master's seat sa bandang dulo nitong mesa habang kami naman ay mga nasa magkabilang puwesto. Nakatingin lang kami sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na narito siya sa harapan namin.

At mas lalong nakakawindang ay iisa ang mukha namin.

"Bakit ganyan kayo tumingin sa'kin?"

Tila natauhan kaming lahat nang magsalita si Melinoe.

"P-Pasensya na po. Hindi lang talaga kami makapaniwala na nandito po kayo ngayon," sagot ni Gunner.

"Saka, bakit kamukha niyo po si Aika?"

Sabay-sabay naming sinaway si Ryker matapos niyang magtanong.

"At si Aika ay kamukha ng aking Ada Azalea."

Natahimik kami bigla matapos 'yong sabihin ni Ryker. Oo nga pala. Iisa rin ang mukha namin ng kanyang ada.

Natinag ako sa aking kinauupuan nang tumingin sa'kin si Melinoe.

"Ang bagay na 'yan ang ipapaliwanag ko rin kalaunan. Ngunit sa ngayon, may mas mahalaga tayong dapat pag-usapan," ani Melinoe.

Napakunot ang noo ko sa una niyang sinabi. Ibig sabihin, may alam siya kung bakit iisa ang mga mukha namin ni Azalea.

"Spellbound artifacts ng aking ina. Isa na lang ang kulang ninyo, hindi ba?"

Sabay-sabay kaming tumango bilang sagot.

"Nais ko sanang makumpleto na ang spellbound artifacts bago ako tuluyang koronahan bilang bagong reyna ng Elysium. At bago tuluyang kumilos si Hera."

Patuloy niya, "Alam kong sa mga oras na 'to, maaaring nakarating na sa kanya na patay na ang hari at narito na ako ngayon sa royal palace. Ano mang oras mula ngayon ay maaari siyang sumugod dito. Kaya naman kailangan na nating makumpleto ang spellbound artifacts bago pa 'yon mangyari."

Nagkatinginan kami sa isa't isa dahil tunay ang sinabing 'yon ni Melinoe.

Tumingin si Melinoe sa bandang pinto sabay senyas. Mayamaya ay dumating si Mr. Smith dala ang spellbound artifact na huli naming nakuha sa Ground Ikosi Dio.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon