[ COMPLETED ]
FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES
Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bago umalis si Mr. Smith pabalik ng university dala ang unang artifact na nakuha namin, pinag-usapan muna namin ang susunod na destinasyon ng team namin. At syempre, iyon 'yong imahe na nakita ko sa isipan ko nang mahawakan ko ang artifact.
Ang susunod daw naming destinasyon ay ang Ground Ekaton. Isa 'yong village na gawa sa yelo. Ang mga nilalang na naroon ay tinatawag na nisse. Kamukha rin sila ng elves, ang pinagkaiba nga lang, mapuputla ang pagkaputi ng mga balat nila at karaniwang kulay dilaw ang mga mata nila, at asul ang kanilang buhok.
Umaga na ngayon at mag-aalmusal muna kami bago tuluyang lumakad.
Pumunta ako sa kusina para maghugas ng kamay. Pagkatapos ay nagpunas ako sa towel na nakasabit sa gilid. Nadatnan ko rito sina Klein at Gunner. Nagbu-brew ng kape si Klein at mukhang tapos nang magluto si Gunner. Napansin ko naman ang mga pagkain na nilagay niya sa tray.
"Para kay Xavier ba 'yan?" tanong ko.
"Ah, oo."
"Ako na magdadala," suhestyon ko.
"Ah, sige." Pagkatapos ay binigay sa'kin ni Gunner ang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain ni Xavier.
Ingat na ingat kong dinala ang tray para hindi mahulog ang laman nito. Pagdating ko naman sa dining table namin ay nandoon na silang dalawa ni Ryker. Si Jerome naman ay nasa banyo yata.
"Oh, Xavier. Bakit tumayo ka na? Kaya mo na ba sarili mo?" usisa ko sa kanya sabay lapag ng tray sa harap niya.
Kagabi kasi pagbalik namin dito, halos hindi makagalaw si Xavier dahil bukod sa sugatan ang isa niyang braso, napuwersa masyado ang mga binti niya sa naging laban no'ng araw na 'yon. Inakay na nga lang siya nina Gunner at Ryker no'n.
"Ah, oo. Kaya ko nang tumayo. Naipahinga ko na kasi ang mga binti ko," sagot ni Xavier.
"Mabuti naman kung gano'n." Pagkatapos ay umupo ako sa bakanteng upuan na katabi niya.
Dinampot naman ni Xavier ang kutsara niya at sinubukang sandukin ang pagkain. Napansin ko naman ang hirap niya sa paggamit ng kutsara. Kanang braso kasi niya ang may sugat at hindi siya sanay gumamit ng kaliwang kamay.
"Uhm, Xavier. Gusto mo ako na ang magsubo niyan sa'yo?" alok ko sa kanya.
Parang nahiya naman si Xavier, "S-Sigurado ka?"
Tumango ako, "Ako naman kasi talaga ang may kasalanan kung bakit ka nasugatan."
Niligtas niya ako mula sa atake ng isang Unholy no'ng oras na 'yon kaya't nasugatan siya.
"Hindi naman sa gano'n, Aika. Saka, bilang team responsibilidad natin na protektahan ang isa't isa," tugon naman ni Xavier.
Ngumiti ako, "Salamat."
Ngumiti lang din si Xavier at bakas pa rin ang hiya sa kanyang mukha. Kinuha ko na sa kanya ang kutsara at sasandok na sana ako nang biglang may tumawag sa'kin.