Nang makaharap ni Mr. Smith 'yong lalaking nakasalubong namin na may kuryente rin sa kamay ay tumawag siya ng isang kasamahan.
May dumating na isang babaeng grim reaper na nagngangalang Eriphyle. Siya ang pinakiusapan nito na maghatid kay Fayette papunta sa Three Judges dahil may mahalaga raw siyang gagawin.
At matapos umalis nina Eriphyle at Fayette ay nilapitan ni Mr. Smith 'yong lalaking nakasalubong ko.
"Isa kang Olympian deity, hindi ba?" tanong ni Mr. Smith sa lalaki.
Mukhang nagulat naman siya sa tanong nito.
"Mga taga Underworld kayo, hindi ba? At ikaw ay isang grim reaper," sambit naman no'ng lalaki.
Tinitigan pa siyang mabuti ni Mr. Smith.
"Lord Zeus?"
Nabigla kaming lahat sa tinanong ni Mr. Smith sa lalaki.
"Ikaw naman si Samael, tama?" sambit naman no'ng lalaki.
Hindi naman nakaimik si Mr. Smith sa sinabi no'ng lalaki na mukhang si Zeus daw.
Tinawag niyang Samael si Mr. Smith? At siya si Zeus na diyos ng Olympus ay nandito sa lupa?
"Sumama kayo sa'kin," aya no'ng lalaki kay Mr. Smith. Pagkatapos ay tumingin siya sa'kin.
"At marami tayong dapat pag-usapan," patuloy niya.
---
Pinatuloy kami ni Zeus sa kanyang tinutuluyan na isang condominium. At sa hitura at laki pa lang ay halata mo nang milyon ang halaga nito. Pinapaupo niya kami sa sofa niya sa living room.
Hinubad niya ang coat niyang suot at sinampay sa sandalan ng sofa pagkatapos ay naupo ito sa harap namin.
"Anong ginagawa niyo rito, Lord Zeus? Akala ng lahat patay ka na," sambit ni Mr. Smith.
"Siya nga si Zeus na diyos ng mga diyos at kapatid ni Hades?" tanong ni Ryker na tila hindi naman makapaniwala.
"Ano pa nga ba? Malamang nagtatago ako sa bagsik ni Hera," sagot niya.
"Hindi niyo po ba kayang pigilan ang asawa niyo? Hindi ba mas malakas kayo kaysa sa kanya?" tanong bigla ni Ryker.
Pinandilatan naman namin siya ng mata at sinenyasan na tumahimik.
Bumuntonghininga si Zeus, "Simula nang sinakop ni Hera ang Olympus at naupong ruler nito ay nagsimula na kaming magkawatak-watak. Wala na rin akong balita sa ibang diyos ng Olympus bukod sa namatay na si Hades kasama ng asawa niyang si Persephone. Si Poseidon lang ang kasama kong tumakas ng Olympus."
"Nagsimula kasi ang lahat sa tangka mong pang-aagaw kay Persephone mula kay Hades. Anak mo ba talaga si Melinoe, Lord Zeus?" tanong ni Mr. Smith.
"Hindi ako sigurado," sagot nito.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasi[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...