Nakababa na kami sa Ground Dodeka Railway Station. At pagbaba namin ay agad kaming nakasakay ng karwahe.
Kapansin-pansin ang pagiging mukhang probinsya ng Ground Dodeka. Hindi siya ganoon ka-developed gaya ng ibang ground na napuntahan namin. Kaliwa't kanan ang iba't ibang klase ng mga puno na makikita mo, kakaunti rin ang bahay at sobrang magkakalayo ang mga ito sa isa't isa. Kakaunti rin halos ang makikita mong goblin na pagala-gala sa kalsada.
Madalas ang mga bahay at gusali ay gawa lang sa bato at kahoy. Halata ang social status mo base sa hitsura ng bubong ng bahay.
Gawa sa kahoy at pawid kapag nasa mababang antas at kapag may-kaya ay gawa sa bato at bakal.
Kaya naman napakatahimik din ng lugar na ito.
"Mukhang nasa liblib nang parte ang sa inyo, Gunner, ah," sambit bigla ni Ryker.
Napansin kasi namin na parang unti-unti nang nagiging mas mapuno ang paligid at mas umunti ang mga bahay na nakikita namin.
Tumawa naman si Gunner, "Ah, oo. Medyo liblib nga 'yon. Pero maganda ang lugar naming 'yon. Sinisiguro ko sa inyo."
Mayamaya lang ay pinahinto na ni Gunner ang karwahe. Pagkatapos ay nagsibabaan na kami.
Isang malawak na pathway na may kulay itim na gate ang binabaan namin. Binuksan ito ni Gunner at sinara na rin ulit pagpasok naming lahat.
Hindi namin maiwasang igala ang paningin namin sa paligid dahil mukhang nag-iisa lang itong bahay nila Gunner sa gitna ng kakahuyan.
Isang malaking bahay naman ang tumambad sa'min matapos naming maglakad sa pathway. Nakatingala kami rito at namangha kami sa laki nito.
"Ang laki ng bahay niyo, Gunner."
Mukha siyang isang dalawang palapag na mansyon. Pahaba ang hugis nito at payak lang ang disenyo pero maganda. Puti at pula ang kulay ng kanilang bahay.
"Mukhang mas malaki pa 'to sa bahay namin," komento ni Ryker.
"Mama!"
Tinawag bigla ni Gunner 'yong babaeng goblin na nagdidilig ng mga bulaklak sa tapat ng bahay nila. Tumakbo agad si Gunner sa babaeng tinawag niyang 'Mama' nang mapansin siya nito pagkatapos ay nagyakapan sila.
"Gunner, anak! Naparito ka? Hindi pa naman year-end vacation, ah," sambit ng mama ni Gunner matapos nitong bumitaw sa anak.
Mukhang middle-aged woman ang mama ni Gunner. Hanggang balikat ang tuwid nitong buhok na kulay blonde, blue ang kanyang mga mata, at nakasuot ito ng duster dress.
"May misyon kasi kami rito kaya napadestino kami rito," sagot ni Gunner.
Napatingin sa'min ang mama niya.
"Oh, sino sila? Mga kaklase mo?" tanong niya.
"Oo, Ma," sagot niya pagkatapos ay pinakilala niya kami rito isa-isa.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasia[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...