Isang mahangin at payapang umaga. Pero ang langit ay makulimlim. Nakatayo lang ako sa gitna ng isang lupaing walang laman.
Habang may kaharap naman akong isang lalaki. Hindi ko alam kung bakit kami naririto o kung magkakilala ba kami.
Makikita ko na sana ang mukha niya.
Nang bigla akong nagising dahil naramdaman ko ang sikat ng araw na sumalubong sa mga mata ko. Dahan-dahan akong dumilat at naniningkit pa ang mga ito dahil sa antok.
"My gosh, a weird dream again. A guy wearing a black hoodie," bulong ko sa sarili ko habang nag-iinat pa sa kama.
Yes, siya 'yong lalaking palaging present sa mga weird kong panaginip.
Ang weird na part kasi sa mga dream ko about that guy, may times na parang magkakilala kami. Sa tuwing makikita ko na ang mukha niya, bigla na lang akong magigising.
O kaya naman minsan, may babae siyang kausap at pilit na inaabot. Kapag maabot na niya 'yong babae, bigla na lang ako magigising.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at kinurap-kurap din. Pagkatapos ay bumuntonghininga ako. Bumaba na rin ako sa kama ko at dumeretso sa CR para maghilamos bago ako bumaba to eat breakfast at makapag-ready na rin ako for school.
---
Gaya nang nakagawian, nasa school na ako ngayon. Katatapos lang ng class namin sa first subject.
"Aika."
Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Mica pala na seatmate ko lang.
Lumingon lang ako sa kanya sandali at ibinalik kong muli ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Ano ba 'yang dino-drawing mo?" usisa ni Mica habang nakatingin sa ginagawa ko.
"Lalaking naka-hoodie? Hala, sino 'yan, Aika? Pinagtataksilan mo ba si Kevin?" usisa pa niya.
Inikutan ko lang siya ng mata, "Syempre hindi, 'no! 'Wag ka ngang O.A. diyan. Napaginipan ko lang 'yan kagabi. Tingnan mo nga. Hindi ko malagyan ng mukha kasi hindi ko naman 'yan kilala."
I'm sketching that guy na nasa panaginip ko kahit hindi ako kagalingan mag-drawing. Alam kong napaginipan ko na siya before. Pero noon, minsan lang. But now, napapadalas na yata.
"Wait, parang familiar 'yan," ani Mica.
Nakakunot-noo akong tumingin sa kanya, "Familiar? What do you mean?"
"Don't you remember? May naikuwento ka sa aming ganyan noon ni Sarrah. I think that was two years ago? Nanaginip ka ng isang lalaking naka-black hoodie, duh?" paliwanag niya.
Bumuntonghininga ako, "Yeah, like I know, ano. Akala ko naman sasabihin mo sa'kin na may kakilala kang kamukha niya."
"Sarrah! Tingnan mo, oh. Napaginipan ulit ni Aika si black hoodie guy," pagtawag ni Mica sa atensyon ni Sarrah mula sa kabilang silya.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasy[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...