1.LXXXVIII: Cursed Lovers

763 36 8
                                    

"Klein!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Klein!"

Napatingala kami kay Jerome nang bigla siyang sumigaw mula ro'n sa balikat ng Golem. Masyadong malikot ang higante kaya't nakakapit nang mabuti rito si Jerome.

"May ilog dito sa ibaba! Puwede mo 'tong magamit para i-freeze ang Golem pansamantala!"

Nagkatinginan kaming lahat matapos ng kanyang sinabi.

"Bilisan mo!" sigaw pa ni Jerome at halata sa kanya ang hirap sa pagkapit at pagbalanse sa kanyang sarili habang nakakapit siya sa balikat ng Golem.

Samantala, agad namang tumakbo si Klein kung nasaan ang Golem, pagkatapos ay kasunod lang niya kami nina Ryker at Gunner.

Patuloy pa rin sa pagwawala ang Golem kahit malapit na kami sa kanyang harapan dahil naiirita ito masyado habang nasa balikat niya si Jerome.

Nang sumampa si Klein sa kamay ng Golem ay sinubukan naman ni Jerome na gumapang dahan-dahan paalis sa balikat, patungo sa braso ng higante.

Pero dahil dalawa na sila ni Klein na nasa kanyang katawan ay lalong lumakas ang pagwawala nito. Hindi tuloy makakilos nang ayos sina Klein at Jerome kaya't nakakapit lang sila ngayon sa bandang braso ng higante.

"Strike of Blazing Bullets," pagkatapos ay pinaputok ni Gunner ang kanyang mga gintong revolver at mukhang target nito ang mga mata ng Golem.

Tinamaan naman ng kanyang mga nagliliyab na bala ang parehong mata ng Golem at lalo itong nagwala habang umalingawngaw naman sa buong kagubatan ang malagong na ungol nito.

Napansin ko naman na mukhang nalulula na si Jerome sa kanyang puwesto ro'n. Naalala ko bigla na may takot pala siya sa heights.

"Ryker, tulungan nating makababa si Jerome," sambit ko.

Agad kaming tumakbo nang mas malapit pa sa higante at tiningala si Jerome.

"Jerome, gumapang ka dahan-dahan pababa sa braso ng Golem. Aabutin ka namin dito!" sigaw ko.

Medyo humupa ang pagwawala ng Golem dahil nakapokus lang ito ngayon sa pagtatakip ng kanyang mga mata na binaril ni Gunner kanina.

Kaya naman sinamantala na nina Klein at Jerome ang pagkakataon. Maingat na bumaba si Jerome sa braso ng Golem at halos gumapang na siya habang ginagawa niya 'yon. Ganoon din naman si Klein habang paakyat naman siya sa balikat ng Golem.

Nang malapit na si Jerome ay agad naming iniabot ni Ryker ang mga kamay namin sa kanya. At nang mayroon nang pagkakataon ay agad ding inabot ni Jerome ang mga kamay namin sabay hinila namin siya pababa rito sa lupa.

Nang mahawakan ko ang kanyang kamay ay napansin ko ang panlalamig at bahagyang panginginig nito. Napansin ko rin ang butil-butil na pawis ni Jerome sa kanyang mukha.

Mukhang pilit niyang nilabanan 'yong takot niya kanina.

Nang makatayo na si Klein sa balikat ng Golem ay humarap siya sa gawi kung nasaan ang ilog. Inilahad niya ang kanyang divine artillery sabay banggit ng skill nito.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon