1.XXV: Freshmen's Final Phase Exam

984 47 2
                                    

Pigil-hininga kaming lahat na nandito habang hinihintay ang susunod na gagawin ni Ryker habang nasa ilalim siya ng hypnosis ni Harley

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pigil-hininga kaming lahat na nandito habang hinihintay ang susunod na gagawin ni Ryker habang nasa ilalim siya ng hypnosis ni Harley.

Habang si Jerome naman ay hindi namin magising sa hindi malamang dahilan.

Napanganga naman kami ni Xavier nang makita naming lumuhod si Ryker.

"Hoy, Ryker!" sigaw ni Xavier.

Kapag itinaas niya ang pareho niyang kamay, siguradong tapos na ang laban.

"Ryker!" sigaw ko naman. Pero mukhang hindi talaga siya nakakarinig.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa buong coliseum habang nag-aabang kaming lahat sa susunod na mangyayari.

Bigla namang yumuko ang ulo ni Ryker na para bang nawalan siya ng malay. Natuon ang atensyon naming lahat para sa susunod na mangyayari.

Mayamaya lang ay nagulat kami nang lumakas bigla ang ihip ng hangin. At nang bumalik ang atensyon namin kay Ryker ay nakita naming dahan-dahan siyang tumayo.

Biglang humaba ang buhok ni Ryker hanggang gulugod. Tapos ay lalong lumaki ang siyam na buntot niya. Mas tumangkad pa siya nang kaunti at lumaki nang bahagya ang katawan niya.

"Anong nangyayari kay Ryker?" tanong ko.

Nang mapatingin naman ako kay Xavier ay tulalang-tulala siya sa nakikita.

"Lumabas na ang isang katauhan ni Ryker."

Pinandilatan ko siya ng mata, "Ha? Anong ibig mong sabihing isang katauhan ni Ryker?"

At nang tumindig din ang mukha niya ay nakita naming parang nag-mature nang kaunti ang mukha ni Ryker.

Nagmukha siyang kasing-edad ni Mr. Smith.

"Siya si Fioletov. Siya ang parang alter ego ni Ryker. Pero ang totoo niyan, siya talaga ang ninuno ni Ryker na nakasanib lang sa loob ng katawan niya. Si Fioletov, ang ancient demon fox," paliwanag ni Xavier.

"Ano? Ibig sabihin, all this time may ibang katauhan si Ryker?"

"Gano'n na nga. At lumalabas lang siya kapag nasa bingit ng panganib si Ryker."

"Ikaw, babae," maangas na sambit ni Fioletov kay Harley.

Halos nagulantang naman si Harley sa kinatatayuan niya.

"Masyado kang pangahas upang gawin sa'kin ang hipnotismo na 'yan."

Mukhang galit talaga si Fioletov kay Harley base sa mga nanlilisik nitong mga mata. Iniangat nito ang isa niyang kamay at tinapat sa gawi ni Harley.

Isang malakas na hangin ang dumaan kay Harley at nagulat kaming lahat nang biglang nawasak ang divine artillery nito na hawak-hawak lamang niya. Nadurog ito nang pira-piraso.

Dahan-dahan naman napaatras si Harley habang bakas ang takot sa kanyang mukha nang maglakad papalapit sa kanya si Fioletov.

Iniangat muli ni Fioletov ang isa niyang kamay. At nagulat kami nang dahan-dahang lumutang at umangat mula sa lupa si Harley na nagpupumiglas habang nakahawak siya sa kanyang leeg. Tapos ay mukhang nahihirapan siyang huminga na para bang sinasakal siya!

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon