1.LXXII: Missing

725 47 1
                                    

Tiniklop ko agad ang papel at nilagay ko sa bulsa ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tiniklop ko agad ang papel at nilagay ko sa bulsa ko. Mamaya ko na lang sasabihin kina Gunner ang tungkol kay Darren pag-uwi namin sa kanila.

Medyo malayo-layo na ako sa kanila kaya naman humabol ako kaagad.

"Balita? May nakuha na ba kayong clue?" tanong ko.

"Wala, eh. Kanina pa kami nag-iikot pero parang wala kaming mabalitaan," sagot ni Ryker.

"May mga antique shops o museum ba rito sa inyo, Gunner? Baka sakaling may mahanap tayo ro'n," suhestyon ni Klein.

"Oo naman. Meron. 'Yong mga antique shop, halos magkakatabi lang sila rito. Pero 'yong museum, malayo. Kailangan ulit natin magsakay," sagot niya.

"Hay nako. Baka mamaya sa daang malubak na naman tayo nito dumaan, ha," reklamo agad ni Xavier.

"Speaking of daang malubak, ayaw ko na sana makadaan sa gano'ng klaseng kalsada. Bukod sa muntik na 'kong mahulog sa daan, nahilo rin ako dahil sa pagyugyog natin. Muntik nang bumaliktad ang sikmura ko kanina," kuwento ni Klein na mukhang na-trauma dahil sa nangyari kanina.

Natawa naman si Gunner, "Pasensya na. Pero sige. Hahanap tayo mamaya ng maayos na karwaheng masasakyan para hindi na tayo magsiksikan sa maliit."

"Pero pumunta muna tayo sa antique shops. Tara," aya sa'min ni Gunner pagkatapos ay pinangunahan niya kami sa paglalakad.

Halos nasa dulo ng street market ang mga antique shops. Isa-isa talaga naming tiningnan ang mga ito kung may naliligaw bang mga antique na bagay na may aura ng isang spellbound artifact.

Kulang-kulang sampu rin 'yong dinaanan namin pero wala pa rin.

Kaya naman paglabas namin ng street market ay sumakay kami ng karwahe. Mabilis lang makasakay dito dahil nandito lahat ng kutsero. Magpapahatid kami hanggang museum.

Mas maayos na ang karwahe na sinakyan namin ngayon. Kasya na kaming lahat dito sa loob at medyo maluwag pa.

"Uhm, Gunner?"

Nakaupo lang siya sa harapan ko katabi sina Klein at Ryker. Pagkatapos ay tumingin siya sa'kin.

"Oh, ano 'yon, Aika?"

"Si Darren ba? Gaano na siya katagal sa inyo at saan niyo siya nakuha?" usisa ko.

Napaisip si Gunner sandali bago sumagot.

"Limang taon na si Darren sa amin. Nakuha siya ni Mama sa kakahuyan na gusgusin ang hitsura at ang tanging dala lang niya ay malaking kahon na gawa sa karton. Doon siya sumisilong."

Nahabag naman ako sa kuwento ni Gunner tungkol kay Darren.

"Anong kuwento niya sa inyo kung bakit daw siya naging palaboy?"

"Ulila na raw siya. Inabandona na raw siya ng kanyang ama tapos namatay daw sa malubhang sakit ang mama niya. Sabi nga namin sa kanya kung gusto niyang tulungan namin siyang hanapin ang papa niya, gagawin namin. Pero ayaw niya. Ayaw na raw niyang bumalik sa papa niya. Sa tingin ko, may pagkaabusado ang ama niya kaya siya gano'n."

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon