[ COMPLETED ]
FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES
Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakatulala kaming anim ngayon dito sa dining table habang nagkakape. Habang ang mga bata naman ay nagkalat sa paligid ng bahay at mga naglalaro.
"Wala pa rin tayong idea kung nasaan ang spellbound artifact," sambit ni Klein.
"Eh, kung libutin na kaya natin ang buong Ground Dodeka?" suhestyon ni Ryker.
"Hindi puwede. Masyado tayong magtatagal kapag ginawa natin 'yon," kontra ni Xavier.
"Hindi naman kasi ganoon ka-specific magbigay ng vision ang spellbound artifact, eh," sabad ko.
"Ayos lang 'yon. Clue lang naman kasi talaga ang kaya nilang ibigay kaya gano'n," ani Jerome.
"Ta-bi po!"
Nabigla kami nang may marinig kaming natawag mula sa labas. Nagpasukan tuloy agad ang mga batang nasa labas at kumaripas ng takbo rito sa'min.
"Kuya Gunner, may mga pulis," sabi ng isang bata.
"Dito lang kayo," bilin ni Gunner.
Pagkatapos ay nagpunta nga siya sa pinto para harapin 'yong mga pulis na dumating.
"Narito po ba si Mrs. Dahlia Silverbullet?" usisa ng pulis kay Gunner.
Tatlong goblin na lalaki sila na naka-police uniform. Ang police uniform ng mga taga-Elysium at all-khaki na polo at pants, tapos ay puti ang police cap nila. May mga badge din silang suot na nag-a-identify sa kanila bilang police officer at kung anong ranggo nila.
"Wala po rito si Mama. Bakit po? Ano pong kailangan niyo sa kanya?"
Pagkatapos ay iniabot ng isang pulis kay Gunner ang isang papel. At napansin ko ang pagdilat ng kanyang mga mata nang makita niya kung anong nakalagay do'n.
"Kilala mo ba ang batang 'yan?" tanong sa kanya ng pulis.
Nag-isip pa sandali si Gunner bago niya sagutin ang pulis.
"Hindi po."
"Sigurado ka? Hindi ba bahay-ampunan ito? Baka napadpad dito ang batang 'yan?"
"Sigurado po ako, Officer. Sasabihin ko naman po kung nandito siya, eh."
Tumango ang pulis, "Sige. Pakitawagan na lang kami kung sakaling makita niyo ang batang 'yan."
Tumango lang si Gunner sa pulis pagkatapos ay umalis na ito. Sinara ni Gunner ang pinto at nilapitan kami. Tumigala siya at nakita naming naroon si Darren na nakadungaw sa railing ng second floor.
"Darren, mag-usap tayo," seryosong sambit ni Gunner.
Bakas sa mukha ng mga bata ang pagtataka nang sabihin 'yon ni Gunner. Pumasok si Darren sa kanyang silid at siya namang akyat ni Gunner ng hagdan.
"Mga bata, dito lang kayo. Puwede na kayong bumalik sa paglalaro," sambit ni Xavier sa kanila.
At nang bumalik na muli ang mga bata sa paglalaro nila ay siyang sunod naman namin sa itaas para makiusisa sa pag-uusap nina Gunner at Darren. Sa tingin ko, alam na ni Gunner ang katotohanan tungkol sa batang 'yon.