1.XC: Assignment

730 38 0
                                    

Napakunot ang mga mata ko nang marinig ko ang ingay ng alarm clock ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakunot ang mga mata ko nang marinig ko ang ingay ng alarm clock ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at namumungay pa ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko mula sa aking bintana.

Inabot ko ang alarm clock ko mula sa night stand table at pinatay ito. At kahit tinatamad pa ay bumangon na rin ako habang naghihikab pa. Kinuha ko ang towel ko at pumasok sa banyo.

Ngayon ang unang araw ng pagiging staff namin sa program. Sabi ni Waylen, dumeretso raw kami sa Student Council Office para ibigay niya sa'min ang mga gagawin namin para sa araw na 'to.

Nagpunta na kami kahapon sa office niya pero ipinaliwanag lang niya sa'min nang mas malinaw kung anong role namin sa program na gaganapin dahil sa Pre-graduation Ceremony.

Thirty minutes ang tinagal ko sa paliligo, pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform ko at nag-ayos sa harap ng vanity mirror ko.

At nang makuntento na ako sa hitsura ko ay nagsuot na ako ng sapatos at lumabas ng kuwarto.

Dere-deretso lang ako naglakad sa hallway hanggang makababa ako ng hagdan. Medyo inaantok pa ako kaya't nagkukusot pa ako ng mata.

Ilang sandali pa habang naglalakad ako papuntang dome ay parang may naramdaman akong naglalakad sa tabi ko. Dahan-dahan kong lumingon at umangat ng tingin.

"Jerome."

"Ano? Inaantok ka pa?" tanong niya.

Tumango lang ako bilang tugon.

"Mukha nga. Dinaanan mo lang ako kanina."

Napakunot ang noo ko dahil do'n.

"Ha?" pagtataka ko.

"Nakasalubong mo na ako pagbaba mo ng hagdan pero hindi mo 'ko pinansin."

Pakiramdam ko medyo nagising ang diwa ko sa sinabi niyang 'yon.

"Naku pasensya na. Wala pa sa huwisyo ang isip ko ngayon," sambit ko.

Mayamaya ay naramdaman kong tinapik niya ako nang marahan sa ulo. Pagkatapos no'n ay inilagay niya ang mga kamay niya sa kanyang bulsa.

Nagulat ako nang bahagya dahil do'n pero ayos lang din naman.

Nang makarating na kami sa study area ng classroom dome ay nadatnan na namin doon ang mga kasamahan namin maliban kay Gunner. Mukhang nasa kusina na siya para magluto ng almusal dahil may naamoy na akong niluluto mula ro'n.

"Good morning!" bati nila sa'min.

Ningitian ko sila, "Good morning."

Pagkatapos ay naupo na kami ni Jerome sa mga bakanteng puwesto sa couch.

"Oh, magkape muna kayo," alok sa'min ni Klein.

May nakita nga kami sa center table na isang tray na may laman na porcelain kettle na may kasamang mga porcelain coffee cups, teaspoons, at maliliit na porcelain containers.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon