1.XXXI: Escape

982 48 7
                                    

Nakatitig lang ako sa misteryosong lalaki na bigla na lang nagpakita sa'kin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatitig lang ako sa misteryosong lalaki na bigla na lang nagpakita sa'kin. Nakasuot siya ng uniform pero hindi iyan ang school uniform namin. At nang tanungin ko siya kung sino ba siya ay may nakita akong bahid ng lungkot sa mga mata niya.

At nang napagtanto ko 'yon ay parang may kaunting kirot akong naramdaman sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.

"Ito pala ang nagagawa ng realistic illusion na 'to. Ang ipalimot sa biktima ang realidad niya."

Bulong niya sa sarili siya pero nakakunot lang ang noo ko habang tahimik na nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay napansin ko ang isa niyang tenga.

"'Yong hikaw na suot mo. Kaparehas ng sa'kin," sambit ko.

"Dahil sa'kin 'yan galing."

Napataas ang mga kilay ko, "H-Ha? Pero paano? Magkakilala ba talaga tayo?"

"Hey."

Napatingin kami sa biglang nagsalita.

"Who the hell are you? And why are you pestering my girl?"

"Kevin!"

Pinapasadahan ni Kevin ng tingin ang misteryosong lalaki mula paa hanggang ulo habang pinanlilisikan ng mata.

Itong lalaki naman ay seryoso lang na nakatingin kay Kevin.

Lalapit na sana sa'kin si Kevin nang humarang 'yong lalaki sa pagitan namin.

"What the-get lost!" bulyaw ni Kevin sa lalaki habang pinandidilatan ng mata.

Hinawakan akong muli no'ng lalaki sa braso ko.

"Pasensya na. Pero akin na siya ngayon."

Pagkasabi no'n no'ng lalaki ay bigla niya akong itinakbo papalayo mula kay Kevin. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakaangal pa at nagpatangay na ako nang kusa.

At habang tumatakbo kami papalayo, pakiramdam ko'y bumagal ang takbo ng oras.

"Aika."

Natinag ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Hindi ito ang tunay na realidad mo. Kailangan mo nang gumising."

Naguluhan ako bigla sa sinabi niya, "Anong ibig mong sabihin?"

"Nakakulong ka sa isang panaginip o ilusyon. Kapag hindi ka pa nagising, mamamatay tayo pareho rito sa loob ng panaginip mo."

Nandilat ang mga mata ko, "P-Paano mo nasabing nasa loob lang tayo ng isang panaginip?"

"Iyong mga taong nakasalamuha mo rito, wala na sila. Hindi na sila nag-e-exist sa tunay mong realidad. Ginagamit ng Unholy ang masasakit mong alaala at babaligtarin niya 'yon sa isang panaginip. At kapag hindi ka pa nagising, tuluyan na tayong makakain ng Unholy at mamamatay," paliwanag niya.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon