Nang sandaling palabasin ko ang Hades Sword sa kamay ko ay mabilis akong tumakbo papalapit kay Jerome at nakahanda kong atakihin siya gamit ang espadang ito.
Nang makalapit ako sa kanya ay bumuwelo ako ng talon at itinaas ang hawak kong espada. At nang inatake ko siya ay agad niyang nasalag iyon gamit ang hawak niyang espada na kasinglaki rin ng gamit ko.
Ang paligid ng training area ay nabalot ng tensyon habang nagbubuno ang aming mga espada at walang maririnig sa paligid kundi ang mabibigat na kalansing ng mga espadang nagbubungguan.
Winawasiwas ko ang espada at inaatake siya kapag may puwang. Pero mabilis siya at nasasalag niya kaagad ang mga 'yon. Pinapanatili ko ang malapitang pag-atake sa kanya para hindi siya magkaroon ng pagkakataon na atakihin ako.
Pagkalipas pa ng mga mabibilis at walang humpay na hampasan ng espada ay nagbuno kami hanggang sa naitulak niya ako papalayo sa kanya at siya namang atras ko.
Nabigla naman ako dahil sa isang kisap-mata lang ay nasa harapan ko na siya agad at handa akong atakihin ng espadang gamit niya. Nataranta ako nang kaunti pero nagawa ko pa ring salagin ang atake niya.
Siya naman ngayon ang atake nang atake sa'kin. At nahihirapan na ako dahil mabibilis ito at sunod-sunod. Para bang nahuhulaan niya kung saan ang susunod na open part na puwede niyang tamaan. Hindi ko tuloy masundan ang susunod na galaw niya.
Isa pa, ang bibigat ng bawat atakeng binibigay niya. Parang pati braso ko matatanggal.
At ginamit na niya ang final blow ng atake niya. Paghampas niya ng espada niya ay tumalsik ang Hades Sword ko at naglaho ito. Napaupo na lang ako sa lupa at tinutok niya sa'kin ang dulo ng talim ng espadang hawak niya.
"Medyo mabagal ka pa. Pero ayos na rin," sambit niya.
Tapos ay tinukod niya ang talim ng espada niya sa lupa. Habang ako naman ay hinahabol ang hininga ko dahil sa pagod. Pangatlong trial ko na 'to ngayong umaga.
"Lunch break muna!" reklamo ko.
"Sige."
Tinulungan niya akong tumayo at sabay na kaming bumalik sa study area.
---
"Oh, andyan na pala si Princess Aika," natatawang bungad ni Ryker pagkadating pa lang namin ni Jerome.
"Tumigil ka nga," sagot ko naman sabay upo sa isang bakanteng puwesto.
Pagkatapos ay kumuha na agad ako ng plato at kubyertos at nagsandok ng pagkain.
"'Wag ka ngang ganyan, Ryker. May makarinig sa'yo, papagalitan ka pa ni Mr. Smith," saway sa kanya ni Gunner.
Napakamot naman sa batok niya si Ryker, "Joke lang naman, eh."
"Kahit na. Dapat mag-ingat tayo pagdating sa identity ni Aika," sabad naman ni Xavier.
"So, kumusta naman ang training niyo? Maayos ba ang progress ni Aika?" usisa naman bigla ni Klein.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasía[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...