[ COMPLETED ]
FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES
Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Madaling araw ako gumising dahil sa alarm clock ko. Kahit antok na antok pa ako, pinilit ko pa ring bumangon para maligo sandali at magbihis.
Nang matapos ako ay tinatamad kong dinampot ang backpack ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Dumeretso ako nang baba sa hagdan at dumeretso ako sa greenhouse dome.
"Oh, nandiyan na si Aika."
Napatingin ako sa nagsalita. Si Gunner pala. Kumpleto na silang lahat dito sa study area kasama si Mr. Smith dala ang tag-iisa nilang bag. Mukhang ako na lang talaga ang hinihintay.
"So, dahil nandito na si Aika. Puwede na tayong umalis. Let's go," sambit ni Mr. Smith sabay nauna siyang maglakad palabas pagkatapos ay siya namang sunod namin.
Naglakad kami sa mahawang pathway papuntang main campus.
"Mukhang antok ka pa, ah."
Napalingon ako kay Ryker nang magsalita siya na may kasamang tawa.
"Oo. Hindi kasi ako sanay gumising nang ganito kaaga," sagot ko naman sabay hikab.
"Tapos hindi na rin tayo nakapag-almusal," sambit ko pa.
"May tindahan ng pagkain sa Ground Miden Station. Bibili na lang tayo ro'n ng pang-almusal," saad naman ni Xavier.
"Pabor nga sa'kin dahil hindi na ako maghihirap na magluto," sabad naman ni Gunner.
Nag-aagaw pa lang ang liwanag at dilim sa kalangitan, pero mas lamang pa rin ang dilim at meron pang mga bituin.
Sabi kasi ni Mr. Smith, dahil highly-confidential nga ang mission naming 'to, kailangan walang makakita sa'ming umalis nang maraming bitbit na gamit dahil magtataka ang ibang estudyante.
Kaya madaling araw kami umalis para tulog pa ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang mga dorm. At kung magtaka naman ang iba kung bakit kami nawawala, madali lang sabihin na pinadala kami para sa isang mahalagang mission sa earth.
Namalayan ko na lang na nakalabas na kami ng gate ng university. Matayog at malaki ang gate at gawa sa matitibay at mabigat na bakal. Kulay itim ito at may mga patulis na disenyo sa dulo.
Pagtingin naman namin sa harapan ay may nakita kaming itim na limousine. Nandidilat ang mga mata namin habang manghang nakatitig dito.
"Mr. Smith, sa inyo ba ang sasakyan na 'to?" usisa ni Ryker habang pinapasadahan ng tingin ang mamahaling sasakyan.
"No. Pag-aari 'yan ng university. Ipapagamit lang 'yan sa'kin para ihatid kayo hanggang Ground Miden Train Station," sagot naman ni Mr. Smith.
"Ground Miden Train Station?" tanong ko.
"Bawat Ground ay may train station. At iisang tren lang ang gamit namin. Ito ang Chloris Train. Lahat ng ground sa buong Elysium ay dinadaanan nito. Kaya ibababa kayo nito sa Ground Ekaton Ena," paliwanag ni Mr. Smith.