Umahon ang Chloris Submarine sa tabing-dagat ng Ground Endeka Railway Station. Pagbaba namin ng submarine ay tumuntong na kami ng platform at naglakad na kami palabas ng station.
Bumungad sa'min ang isang syudad na mukhang village sa isang probinsya. Gawa sa kahoy at semento ang lahat ng gusali at mga kabahayan.
Ngunit pansin ko rin na ang ibang kabahayan dito ay mukhang traditional Japanese house.
At lahat ng nandito ay mga kauri ni Ryker na mga demon fox-mga taong may tenga ng aso na kulay puti. May mga buntot din sila na may makapal na balahibo. Ngunit iisa lamang ito at hindi siyam. Marahil siguro ay nalabas lang ang siyam na buntot nila kapag nasa panganib sila gaya ni Ryker.
Mukhang karaniwang vintage na syudad lang din ito dahil gawa sa hollow blocks ang kalsada at mga poste.
"Kailangan na nating puntahan kaagad ang aking abu," sambit ni Ryker.
Sabay kumuha naman siya kaagad ng karwahe at agad kaming sumakay dito.
Kuwento sa'min kanina ni Ryker, sumulat ang kanyang lolo o abu dahil may malubha raw itong karamdaman at nais niyang makita ang kanyang apo.
Wala na rin palang mga magulang si Ryker at lolo lang niya ang nagpalaki sa kanya. Nag-iisa rin siyang anak ng kanyang mga magulang kaya't siya lang talaga ang pamilya ng kanyang lolo.
Samantala, may malay na rin naman si Klein ngunit nanghihina pa nang bahagya ang kanyang katawan. Hindi pa siya fully recovered mula sa naging laban namin kay Iorghu sa Ground Okta.
Habang nasa biyahe naman kami ay mukhang hindi mapakali si Ryker. Bakas ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.
---
Tumagal ng limang minuto ang naging biyahe namin nang pumara si Ryker.
Pagbaba namin ng karwahe ay tumambad sa'min ang isang mataas na gate na gawa sa kahoy. Pinindot ni Ryker ang doorbell na nasa gilid ng gate. Pinindot niya ito nang maraming beses hanggang sa bigla itong bumukas.
Tumambad sa'min ang isang babaeng demon fox na mukhang hindi nalalayo ang edad sa kanila. Mataas lang nang kaunti ito sa'kin at maputi ang kanyang kutis. Nakabestida ito na may maikling manggas at ang palda ay lampas tuhod. Kulay purple ang pang-itaas niya at ang palda niya ay puti.
Meron siyang brown at tuwid na buhok na naka-ponytail ng kulay pink na ribbon. Bilugan at mapungay ang mga mata niya na kulay blue.
"Ikaw ba si Ryker?" tanong nito.
Mukhang nagulat naman si Ryker at nakatulala siya sa mukha no'ng babae.
"O-Oo, ako nga. Teka, sino ka?" tugon ni Ryker.
"Ako si Laura. Katiwala ng iyong abu. Halika, pasok ka. Kanina ka pa niya hinihintay," saad naman ng babaeng demon fox na nagpakilalang Laura.
"May katiwala si Abu?" pagtataka ni Ryker.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasy[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...