1.LXX: Who Are You?

710 39 3
                                    

Nagising ang diwa ko nang may marinig akong kumatok sa pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ang diwa ko nang may marinig akong kumatok sa pinto. Dinilat ko ang mga mata ko nang dahan-dahan at tumingin sa bandang pintuan.

"Gising na, mga kasama. Mag-aalmusal na tayo."

Si Gunner pala 'yon. Ang taas ng energy niya ngayon para sa isang nilalang na maagang nagising.

Napabalikwas din ang mga kasama ko nang bulabugin kami ni Gunner. Mga nahihirapan pa silang dumilat at papungas-pungas pa.

Pero kahit tinatamad pa kaming bumangon ay ginawa pa rin namin. Bumaba na kami ng mga kama namin at sabay-sabay lumabas ng kuwarto.

Naghihikab pa ang mga kasama ko at namumungay pa ang mga mata. Naglalakad kami at ako ang nandito sa dulo nang mapansin ko ulit 'yong batang sumilip sa kuwarto namin no'ng nakaraan.

Napansin kong nakasilip lang siya sa pinto ng kuwarto niya. At nang mapansin ko siya ay agad niyang sinara ang kanyang pinto.

"Gunner."

Napahinto silang lahat nang tawagin ko si Gunner at tumingin silang lahat sa'kin.

"Sino nga ba 'yong batang lalaki na nasa kuwartong 'to? Bakit pasilip-silip lang siya? Natatakot ba siya sa'min?" usisa ko.

"Ah, siya ba? Siya si Darren. Ganyan talaga siya. Ilag siya sa lahat ng nilalang kahit sa ibang bata rito. Hindi siya nakikipaglaro kahit kanino. Kami lang ni Mama ang kinakausap niya. Iyon nga lang, kinakausap niya lang kami pag may kailangan siya," paliwanag ni Gunner.

"Gano'n ba."

"Wala ring nakakapasok sa kuwarto niya, kahit kami ni Mama. Kaya wala rin siyang kahit sinong kasama diyan. Gusto sana naming malaman kung bakit pero gusto naming respetuhin ang gusto ng bata. Hihintayin na lang namin na siya mismo ang magsabi sa'min," dagdag pa ni Gunner pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad pababa ng hagdan.

Napatingin kami kay Ryker nang bigla siyang tumawa.

"Naalala ko sa kanya si Jerome no'ng unang beses niya sa Section X," sambit niya.

Natawa rin si Xavier, "Oo nga, 'no? Ganyan din siya noon. Ilag sa'tin at si Mr. Smith lang ang kilala."

Natawa lang kami habang si Jerome naman ay napangiwi na lang sabay iling.

Pagbaba namin sa dining area ng bahay nina Gunner ay may apat na twelve-seater long tables ito para kasya ang lahat ng bata.

Napansin namin ang sigla at gana ng lahat ng bata habang kumakain ng almusal. At nang mapansin nila kami ay sinalubong nila kami ng mga ngiti at ang iba ay kinawayan pa kami.

"Magandang umaga!" bati namin sa kanila.

"Mga bata! Halina kayo rito."

Napatingin kami kay Dahlia nang tawagin niya kami. Naroon siya sa dulo at mag-isang nakaupo sa isang eight-seater round table. Nakahanda na rin ang almusal sa mesa.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon