1.XXXIII: Labyrinth

969 39 0
                                    

May isang babae na nakaupo sa gilid ng kama habang hinahaplos niya nang marahan ang buhok ng isang lalaking nakahiga sa kama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May isang babae na nakaupo sa gilid ng kama habang hinahaplos niya nang marahan ang buhok ng isang lalaking nakahiga sa kama. Mukhang natutulog ang lalaki kahit hindi ko kita pareho ang mga mukha nila.

Mayamaya lang ay may mga luhang umagos sa pisngi no'ng babae habang nakatingin siya ro'n sa lalaki.

"Aika."

Nang may marining akong tumatawag sa'kin ay dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko.

"Aika, gising na."

Nang luminaw na nang tuluyan ang paningin ko ay tumambad sa'kin ang mukha ni Jerome. Nakatayo siya sa gilid ng kama ko habang nakatingin sa'kin.

Napaginipan ko na naman sila. Sila 'yong madalas kong mapaginipan noon bago ko pa makilala si Jerome. Nawiwirduhan talaga ako sa tuwing sila ang nasa panaginip ko.

Pero nang masanay ako ay binabaliwala ko na lang din. Sa tingin ko random na panaginip lang 'yon.

Bumangon ako at umupo. Namumungay pa ang mga mata ko habang tinitingnan ang paligid. Napansin ko kasing sobrang tahimik yata ngayon samantalang nangingibabaw palagi ang mga boses nina Ryker at Xavier.

Tuluyan nang nagising ang diwa ko nang mapansin kong wala na ang mga kasama namin.

"Teka, nasaan na sila?" tanong ko kay Jerome.

"Nauna na silang umalis para pumunta sa unang barnyard na pupuntahan nila," sagot nito.

"Saan naman 'yon?" usisa ko pa.

"Ang alam ko, may barnyard din ang may-ari ng cabin na 'to. At 'yon ang una nilang pupuntahan. Kaya bumangon ka na diyan at susunod tayo sa kanila."

Tumango naman ako bilang sagot at agad na bumaba sa kama. Kinuha ko ang uniform ko na naka-hanger at nakasabit sa dingding. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo at nagsara.

Naghihilamos lang ako at sipilyo tuwing umaga dahil sa gabi ako naliligo bago matulog. Kailangan kasi palagi ng mabilisang kilos. Kaya iyon lang talaga ang ginawa ko saka nagbihis ng uniform ko.

Matapos kong magsuklay ng buhok ay lumabas na ako ng banyo. Pagkatapos ay nadatnan ko si Jerome na nakaupo ro'n sa dining area.

"Okay na ako. Puwede na tayo lumakad." Nang marinig niya ako ay tumingin siya sa'kin tapos ay tumayo na siya.

Naglakad na ako papunta sa pinto at naunang lumabas. Mayamaya lang ay naramdaman kong may kumulbit sa balikat ko. Kaya naman lumingon ako sa likuran ko at nakita kong may isang toasted bread na inaabot sa'kin si Jerome.

"Kumain ka muna. Iyan na lang natira sa'yo pagkatapos nilang mag-almusal," sambit niya.

Inabot ko ang toasted bread na binibigay niya sa'kin at kinagatan ko na ito.

"Hinayaan mong maubusan ako ng pagkain?" tanong ko kay Jerome.

Tumingin naman siya sa'kin at parang nagulat siya sa naging tanong ko.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon