CHAPTER FORTY NINE:
THE MARK OF THE BLACK CURSE
∞
DEAN
Habang isinisilid ang lahat ng mga gamit sa isang Expansion-Charmed Bag, nakita ko ang sarili kong nagiimpake dito sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung anong laman no'ng bag at kahit subukan ko mang tignan, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Kita kong isinukbit ko ang bag at saka tahimik na bumaba ng bahay. Nandito na ako ngayon sa napakalamig na harapan ng Mountain Top House. Tinititigan ko kuno iyon kung gaano ito kalaki parang habang inaalala ang mga masasayang pagkakataong tumira ako rito.
Sa huling pagkakataon, huminga ako ng malalim bago ito tinalikuran. Hindi ko na nakita ang susunod na mangyayari nang mapansin kong lumabas mula sa loob ng bahay ang lima kong barkada, dala ang kani-kanilang gamit, suot ang kasuotang parang maggagala kami ng ilang taon. Anong nangyayari?
"Sorry, we're late."
"Anong—Paa—" Napakamot ako ng batok dahil hindi ko alam ang sasabihin ko nang makita silang lima. Nararamdaman kong galit ako sa kanila dahil wala sa planong kasama sila sa paglalayas na ginagawa ko. "Haayst! Kahit anong sabihin niyo, hindi kayo puwedeng sumama."
"So, iiwan mo na lang kami rito habang nag-aalala sa kaibigan naming nakikipagsapalaran sa kamatayan masunod lang ang gusto niya?" mapangtitig na tanong ni Harrieth. "That's not us, Dean."
"And to spoil the plot, admit it, you can't survive without us." singit ni Chris.
Nagkaroon pa ng mahabang diskusyon hanggang makumbinsi nila ako at sinuguro talaga nilang wala na akong choice kung hindi ang payagan sila.
Segundo lang ang nagtagal,
"Dean, putangina naman tara na! Wala na si Al ano ba?! Pabayaan na natin siya kung ayaw mong tayo ang isunod ng mga guwardya!" Tye?
Para akong nabulag sa lugar na ito dahil ang boses niya lang ang naririnig ko. Nanatiling itim ang paligid at kahit lumingon pa ako sa ibang direksyon, wala akong natatanaw.
"Hindi, kailangan ko siyang balikan. Kaya, pakawalan niyo ko, please." paghahagulgol ko.
Teka, narinig ko na ang mga bagay na ito.
...
"Please, find the rest of the stones. Huwag niyong hahayaang makuha 'yan ng iba. P-please. I can't take it anymore. Just go, please!"
"No, no, please, O. We can end this with you. Okay? Magpakatatag ka lang, please. Just stay here at makukuhanan ka namin ng gamot." pagsusumamo ni Harrieth kay Octavia.
...
"Chris? Nasaan si Tye?" Narinig ko ang boses kong nagsalita.
"Nagkahiwalay kami sa gubat. Tapos nang mahanap ko siya, may espada nang nakatarak sa dibdib niya. Dean, w-wala na siya."
...
"Dean, huwag! P-please, huwag mong ibibigay kahit na anong mangyari. Ano bang ginagawa mo?! Dean!" Harrieth?
"Dean she's right, mas mahalaga ang bagay na 'yan kaysa buhay namin. Tayo ang may-ari niyan at tayo ang nagpakahirap para diyan, hindi sila! So please, just don't do it! Dean, please." Chris?
BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...