CHAPTER FORTY EIGHT:
THE BRAIN-DRAIN GAME
∞
DEAN
Shouxclave's Well-known Hearth for Incomparable Talents of Elementalists o W.H.I.T.E. Hall, pagkapasok ko ng susi, diyan agad ako napadpad. Gaya ng dati, late na naman ako dahil parang hindi na ako nakakatulog ng maayos magmula nang malaman ko ang kasagutan sa mga panaginip ko.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasabi sa kanila, sa mga kaibigan ko, kung anong mga pinaplano ko. Wala pa akong balak magsalita sapagkat ayokong problemahin pa nila ang mga problema kong ako lang dapat ang namumroblema. Hmn?
Biyernes ngayon at ito ang araw kung saan magaganap ang lahat ng mga nakita ko sa Alley nitong week. Patuloy pa rin akong kinakabahan ngayon dahil walang katiyakan kung magiging ligtas nga ba sila sa libu-libong Sentinels na inalatag ng Ministry of Elemental Defences and Offences.
Speaking of Sentinels, pati ang Shouxclvave ay binarikadahan na rin ng Ministry ng daan-daang Sentinels no'ng isang araw. Mas lalo nilang pinahigpit ang sistema. Hindi na rin kami pinapalabas ng kastilyo at lahat ng mga aktibidad panlabas ay ipinahinto muna gaya ng mga napag-usapan sa Great Hall meeting kahapon. Hindi lahat ay ligtas.
Naudlot rin ang plano namin ni Professor McScotch na gagawin ang susunod na training sa Ishodale kung saan kailangan ko siyang mahanap gamit lamang ang pagtawag niya sa pangalan ko. Exciting pa man din sana 'yon dahil makakagala ako.
Nang makita ako ni Professor McScotch, "Because of the sudden changes in the University and Ishodale protocols, hindi muna tayo maaring lumabas at gamitin ang Systematized Portal Arcs. Bagkus, sa Hologram Hall o Hall-Ogram muna tayo maage-ensayo, pansamantala. Nandoon na rin ang ibang Superials kagaya mo. Let's go."
Inalok sa akin ni Professor ang kanang braso para hawakan ko. Nang magdikit ang palad ko sa balat niya, nakapag-teleport na kami papunta sa isang napaka-advanced na lugar. Woah!
Nasa isang napakalawak kami ngayong silid—bulwagan. Kulay itim lang ang nakikita kong kulay ng mga sahig at pader na makikintab. At ang tanging kakaibang kulay lang na nakikita ko ay ang mga hile-hilerang asul na neon lights.
Sa paglalakad, nakatulala lang ako sa mga malalawak na kuwartong makikita sa kaliwa't kanan namin. Mga Hologram Rooms 'yon at laman nito ang Superials na kagaya kong nagpa-practice ng kani-kanilang mentus. Tinuturuan sila ng mga mentussor at kapag nagkakamali ay sinisigawan. Feeling ko tuloy, nasa isang hidden facility kami kung saan kami na lang ang natitirang mutants sa Earth at kailangan namin mag-ensayo. O kaya nama'y mga superheroes na kailangang lumakas para sa paparating na malaking giyera.
Sa tansya ko, mga third year students at fourth ang mga tinuturuan nila at ako nga ang pinakabata sa mga Superial. Napuna ko ring mas pinapalakas pa silang lalo kaya nakaka-pressure makipagsabayan sa galing nila.
"Headmistress, bakit niyo po kami tinuturuan na mas lalong palakasin ang mentus namin?" Sa gitna ng katahimikan, napatanong ako. "Ano po ang purpose ng Superials at bakit niyo po ito itinatag?"
"Well, kaya namin itinayo ang munting organisasyong ito ay para sa mga kagaya mo, Dean. Superials' talents are very extraordinary and exceptional so we, Shouxclave Heads, built an exclusive space for that where they could fit in. Involving your first question, that's false. Malakas na kayo sa una pa lamang at tinutulungan lang namin kayo kung paano ito magagamit ng tama sa tamang pagkakataon."
"Pero, for free po ba ang lahat ng ito? I mean, tinuturuan niyo lang po ba kami para sa amin o may kabayaran po ba ang lahat ng ito na kailangang ibigay sa School, or—" Hindi ko ma-compose ng maayos ang tamang tanong na sinusubukan kong hilahin sa dulo ng dila ko.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...