Dean Foster | Forty Two

15 1 0
                                    

CHAPTER FORTY TWO:

THE TWELVE DISTRICTS OF ELEMENTUS

DEAN

Parang isang hanging dumaan lang sa tabi ko ang nangyari sa buong araw na ito dahil napakabilis ng oras. Pagkatapos ng mga asignatura ngayong Miyerkoles, tumungo na akong Top House.

Medyo gumagabi na rin dahil tumambay muna ako sa Glittering Garden, hindi para magpahangin kung hindi para maglibot sa forest gamit ang marami-raming linking strings. Ganito rin ang ginawa ko kahapon bago umuwi dahil baka nalaman ni Professor Woodfist na nakasunod ako sa kanila kahapon. Mahirap nang masalisihan. Lalo na at may kutob na rin akong hindi maganda sa kanila.

Paano sila nagkakilala? Alam ko namang estudyante niya si Socrfle pero bakit ganoon na lang sila mag-usap? Parang napakatagal na nilang magkakilala.

... Meet me at the pub on Thursday evening...

Nang sabihin niyang "pub", may napakalakas na akong hinala na sa kubong napuntahan ko sila magkikita. Hindi ko alam, pero ang lakas talaga ng instinct ko na may kinalaman ang kubong 'yon sa pagkikita nila.

Dalawa. Kahit dalawang beses ko pa lamang napapansin si Professor Woodfist na pauli-uli sa forest, alam ko na parang may ginagawa siyang kababalaghan. Hidden agenda? Alam ko namang opisyal siyang kasapi ng Shouxclave's SHIELD. Pero bakit siya palaging pumupunta sa forest kung may mga Shouxclave's Guards na'ng nakakalat para magimbestiga at protektahan ang buong kakahuyan? Nako naman...

Dahil wala nang sikreto simula ngayong itatago sa mga kaibigan ko, sinabi ko sa kanila ang lahat ng mga napagusapan namin ni Headmaster Tremblefleckz. Kasama na doon ang mga plano nila sa akin at mukhang ayos naman iyon sa kanila. Sinabi ko rin ang tungkol sa mga napapansin kong kakaiba kay Professor Woodfist, 'yong sa forest, at 'yong mga paguusap nila kahapon. Lahat. Pati 'yong instinct ko tungkol sa kubo na doon sila magkikita, kahit wala pa namang kasiguraduhan. Nabanggit naman nilang handa silang tumulong sa pagiimbestiga kay Professor Woodfist lalo na at napauna nang sinabi ni Headmaster Zedd na pinaghihinalaan niya ang trabaho nito sa Shouxclave.

Pero hindi ko pa nakakausap si Professor tungkol rito dahil bukas pa ang balik niya.

Sa pagiisip ng kung anu-ano, binuksan ko na ang pinto at nakita kong nagkumpulan ngayon ang limang kasama ko sa salas. Nakaupo sila sa kani-kaniyang ayos at mukhang may diskusyong nagaganap.

"There you are!" Bakit ba lagi na lang ganito ang sitwasyon kapag umuuwi ako ng bahay? Hayst. "Kanina ka pa namin hinihintay and we have a lot of news to confer and statements to talk about. Magbihis ka na nang makapagsimula na tayo."

Bago pa ako makapagtanong kung anong nangyayari, tinulak na ako ni Harrieth paakyat hawak ang diary ng tatay ko. Hindi na ako nakawala at agad na nagbihis gaya ng utos niya. Marami lang talaga silang kailangang sabihin sa akin lalo pa at hindi ako nakisabay sa kanila sa lunch dahil tumambay ako sa library kanina para i-track si Professor Woodfist. Nabanggit na rin niya sa akin na dito na lang raw sa bahay magusap para walang makarinig.

Bumaba ako pagkatapos magbihis at umupo sa bakanteng upuan katabi ni O. Nag-umpisa na rin kami pagkatapos.

"So, as what we planned yesterday, Al and I shadowed Scorfle as long as we have time. And listen what Al heard." paninimula ni Harrieth na katabi naman ni Al na sunod nagpaliwanag.

"Sa klase namin kay Professor Flale kanina, I heard her talk to Axelle gamit ang halamang katabi nila—which is one of my mentuses, I can hear what plants hear. They are talking about some place. Sinabi ni Scorfle na magkikita sila bukas ng gabi at may paguusapang hindi na niya nabanggit at tinanong niya si Axelle kung sasama raw ba siya o hindi. Axelle refused and replied that he has some things to fix first and what they've got is enough for this month. Gusto na raw muna niyang magpahinga." Talagang sineryoso nila ang pagiimbestiga kay Scorfle? Ibang klase...

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon