Dean Foster | One

2.5K 53 9
                                    

this chapter is dedicated to MichBalbon

CHAPTER ONE:
A POWER OF TRUTHS

"HUWAG! Please, huwag, i-ibibigay ko na. H-huwag niyo lang silang sasaktan!" Nakita ko ang sarili ko hindi kalayuan sa tinatayuan ko ngayon. Dilim ang naghahari sa paligid at ang tanging nakikita ko lang ay ang malaking apoy sa gitna ng anim na walang mukhang tao: lalaking nakahawak sa magkabilang kamay ng isang ako, isang babaeng naglalabas ng itim na usok sa kamay, isa pang lalaking nakasabunot sa babae habang nakatutok sa leeg ang kutsilyo, at lalaking walang magawa dahil nakagapos ito sa pagitan ng dalawang puno at puro sugat ang katawan. "T-tigilan niyo na sila, please lang. Ibi-ibibigay ko na ang hinahanap niyo."

Kita kong nanghihina na ang ang isang ako at pagod nang magmakaawa. Pero sinusubukan ko pa ring maglakad papunta sa babaeng may itim na usok ang kamay. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit mapapansin mo na sobrang galit siya sa akin.

"Dean, huwag! P-please, huwag mong ibibigay kahit na anong mangyari. Ano bang ginagawa mo?! Dean!" Napatingin ako sa babaeng may dugo na ang leeg dahil sa kutsilyong nakatutok dito. Halos humahagulgol na siya at nagmamaka-awa sa aking huwag ibigay kung anoman ang sinasabi niyang bagay na nasa akin.

"Dean she's right, mas mahalaga ang bagay na 'yan kaysa buhay namin. Tayo ang may-ari niyan at tayo ang nagpakahirap para diyan, hindi sila! So please, just don't do it! Dean, please." Pagsusumamo naman sa akin ng lalaking nakatali sa puno bago tumama sa katawan ang tipak ng mga bato. Nagulat ako dahil pinagalaw 'yon ng isa sa mga lalaki. Papaanong—?

Sa mga sinasabi nila, parang napakahalaga talaga ng kung anomang bagay ang hawak ko. Na pati buhay nila, handa nilang isakripisyo para lang sa bagay na 'yon.

Pero sino ba silang lahat? Bakit nila ako kilala? Ano 'to, may kapangyarihan sila? Saka ano ba'ng bagay ang tinutukoy nila? Saka nasaan ako? Wala akong maintindihan!

Nakita ko ang sarili kong patuloy lang sa paglakad papunta sa direksyon no'ng babae. Hindi ko sila pinapakinggan kahit ano pa ang sinasabi nila. Hanggang sa ibinigay ko na ang mga blurred na bagay na parang umiilaw ng iba't iba sa mga palad ko. Ano ang mga 'yon?

Sa sobrang kahinaan ng katawan, bigla akong napaluhod sa harapan niya at napa-ubo ng dugo. Sinipa niya ang ulo ko dahilan para mapahiga ako sa sahig. Tumawa siya. "Napakabobo mo talaga, Dean. Napakahina mo. Wala kang kuwenta."

Nakita ko kung gaano nag-aalala ang dalawang taong nakagapos sa paghilata ko sa lupa. Pati ako na mismong nakikita ang sariling nakahiga ro'n ay nababahala na. Hanggang sa nakita ko na lang na pumapasok sa bibig ko ang usok no'ng babaeng.

Napapanood kong nahihirapan na ang isang ako. Hanggang sa may mga itim na usok na ring lumalabas sa buo kong katawan. Sinusubukan ko namang labanan ang itim na bagay na 'yon pero wala akong magawa kundi hawakan ang leeg ko dahil nahihirapan na akong huminga.

Nagaalangan na rin akong makita ang sarili kong gano'n. Kaya sinubukan kong lumapit para sana tulungan ang isang ako na lumaban. Pero sa paggawa ko pa lang ng hakbang, nararamdaman ko na parang may nangyayari na rin sa 'king kakaiba kaya napahinto ako. Napansin ko na lang na may mga usok na ring lumalabas sa aking katawan na napaka-init.

Sunod ko na lang na naramdaman ay hindi na ako makahinga. Namanhid na rin ang buo kong katawan at hinayaan ko lang 'yong sumadsad sa lupa. Matapos no'n, parang humihiwalay na ang kaluluwa ko. Hanggang sa wala na akong magawa kung hindi ang itiklop ng dahan-dahan ang dalawa kong mga mata.

"Hi-hindi..."

"Hindi!" Bigla akong napa-upo at napahawak sa lalamunan nang hindi ako makahinga. Nang mahabol ko na 'yon, doon ko pa lang napagtanto na nananaginip lang pala ako. What the... Panaginip pala 'yon? Bakit parang totoo na hindi ako makahinga? Nako naman...

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon