this chapter is dedicated to _Joker_Prince_
CHAPTER TWO:
SEALED WITH STUPENDOUS SURPRISE∞
DEAN
"Uncle, maniwala po kayo sa 'kin! Wala po talaga akong kaalam-alam sa mga nangyari kanina! Wala po akong ginawa! Nagising na lang po ako na... na gano'n na 'yong paligid ko!" kanina ko pang paliwanag sa harap ni Uncle na ipinatawag ng University President para i-report sa kaniya kung ano raw ang laki ng napinsala ko.
Nasa kalagitnaan ng meeting si Uncle William kanina nang makatanggap siya ng tawag mula sa university kaya siya nandito ngayon. At mukhang galit na galit na naman siya dahil sa mga narinig niyang kasalanan ko. Bakit kasi hindi sila maniwala sa akin? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah.
"Mr. Foster, nakita naming lahat kung ano ang sa-demonyo mong ginawa! Kaya paanong hindi ikaw ang gumawa ng mga 'to?!" sagot naman ng babae sa harapan namin. Ang kulit naman talaga, e. Wala nga akong ginagawa!
Una sa lahat, walang CCTV cameras ang school para ipakita sa akin ang mga totoong nangyari kanina. Pangalawa, kung ako nga ang may gawa no'n, bakit wala akong kagalos-galos? At pangatlo, hindi ko 'yon magagawa dahil wala akong lakas para gawin ang lahat ng 'yon. Ano ako may kapangyarihan? Patawa naman masyado, eh.
Gusto kong sabihin ang lahat ng 'yan pero hindi ko magawa. Nanatili na lang tikom ang bibig ko at bumaling na lang sa paligid ng buong opisina. Nagtataka lang kasi ako kung bakit puno ito ng mga nakakalat na basang papel at libro. Pati mga mesa, upuan, pati na rin drawer, nakatumba sa sahig. Agaw-pansin rin ang chandelier na nakahilata sa basang tiles. At nakakalat rin ang mga basag na paso ng halaman at salamin ng aquarium sa iba't ibang parte ng opisina. Anong nangyari rito?
"Ma'am huminahon po kayo, please. Ma'am hindi naman po siguro magagawa ni Dean ang mga bagay na 'yon, ano ho? Nakakatawa naman po siguro kung maniniwala po tayong may kapangyarihan siya, hindi ba? Kaya naman ma'am, hindi po 'yon magagawa ng pamangkin ko." paliwanag ni uncle na pinipilit ngumiti.
"Pero maraming mata ang nakakita sa kaniya kabilang na ako ro'n?! Are you telling me na nagsisinungaling kaming lahat?" mataas niyang boses kay Uncle na ikinasabat ko.
"Pero wala nga po talaga akong ginagawa! Paano ko naman masisira ang buong banyo at gano'n karaming bagay sa buong university nang hindi ko man lang iyon nahahawakan?! Sige nga po? Ma'am, hindi ko po magagawa ang mga bagay na 'yon." walang modo ko nang sumbat sa kaniya. Alam kong bastos na kung bastos, pero alam ko sa sarili kong hindi ko 'yon magagawa. At higit sa lahat... Wala. Akong. Kasalanan. Napaka-imposible.
Natigil silang bigla sa mga nasabi ko lalong-lalo na si Uncle. Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi kong iyon. Pero sa itsura niya, para siyang nakakita ng lamang-lupa.
Umiling ang president ng school namin. "No. Sapat na ang mga nakita namin kaya huwag mo nang ipilit na tama ka at mali kami. We have seen you floating in the air hanggang sa muntikan mo nang mapatay ang isang estudyante na walang kalaban-laban sa ka-impaktohan mo!" pagpapamukha niya sa akin na hindi na ikinakatuwa ng mga tenga ko. Yumuko na lang ako sa sinabi niya at nagpigil ng emosyon. Baka kung ano pang masabi kong masama. Basta ang alam ko sa sarili ko, hindi ako ang may gawa ng mga bagay na 'yon.
Lulutang? Ako? Psh. Kung alam ko lang na may ganiyan akong abilidad, edi sana matagal ko na 'yong ginagawa. Saka bakit ako lang ang ini-interview rito? Bakit hindi rin nila kausapin 'yong lalaking kasama ko sa banyo? Baka mamaya siya pala ang may gawa no'n sa akin habang wala akong malay at napagbintangan lang ako.
"Ma'am, we are very sorry sa mga sinasabi niyong nagawa ng pamangkin ko, but-"
"We are sorry too, Sir. But I can't accept that even if I try to. Kalat na sa buong campus ang mga nagawa niya kanina. At madami na'ng natatakot na maulit muli ito at may madamay pa sa mala-engkantong kakayahan niya. Sir, I am very sorry about these words but I have to say this para na rin sa kapakanan ng school pati na sa mga estudyanteng pumapasok dito.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasíaDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...