Dean Foster | Thirty Two

16 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY TWO:

FALSE PRECOGNITIVE DREAMING

DEAN

"Dean, wake up."

Namulat ako ng mga mata at nandito pa rin kami sa loob ng Lover's Square. Bumangon ako matapos ng ilang paglabas ng hininga at wala pa ring nagbago sa paligid. Dito na kami sa loob natulog at ginawang unan ang mga dala naming bag. Mabuti na lang at may stock ng pagkain sa shoulder bag ni Octavia at 'yon ang ginawa naming hapunan.

Naghilamos ako mula sa malinis na tubig ng fountain at nagpunas gamit ang panyong naibulsa ko.

"Here, eat this." May inabot sa aking piraso ng satisbites si Al na ngayon ay iba ang kulay at hugis. Kulay asul ito at hugis bilog na medyo malaki-laki. Wala na akong inaksayang panahon para hindi 'yon kainin.

"It's 5:58. After two minutes, bubukas na ang portal. And I want you all to cooperate." panimula ni Harrieth habang nakasukbit ang bag na napakaraming laman. Marami, dahil matapos naming malaman ang kakayahan ng Laye Leaf, ay kinuha namin ang lahat ang bunga no'n pati ang mga nahulog para daw pag-eksperimentuhan nila ni Al. "Paglabas, tatambay muna tayo sa glittering garden ng isang oras dahil seven nagbubukas ang refectory. After that, doon lang tayo didiretso at tatambay sa dating tambayan para mag-almusal."

"Roger that." masiglang komento ni Octavia.

Maya-maya pa, narinig naming parang may bumukas sa labas, hudyat na alas sais na ng umaga. Bukas na ang Lover's Square para pagtambayan ng mga estudyante. Pero bago pa man kami humayo,

"Guys, wait." parang nandidiring pigil sa amin ni Harrieth. "Masyadong halata na kahapon pa natin suot ang Friday uniform natin. Kaya humarap kayong lahat at ilabas niyo ang sarili niyong wand. I want to share something." Ginawa namin ang utos niya at inilabas ko ang wand sa bag.

"Now, ipatong niyo ang wand sa ibabaw ng ulo niyo na may pagitang isang dangkal. And say Rejuvenus. Pero para gumana ang revitalizing charm, kailangan niyong gumawa ng tuldok gamit ang wand sa part na bibigkasin ang 'ju'. Like this.

"Rejuvenus." Sa isang katagang binanggit, naglabas ang kaniyang wand ng maraming kulay puting glitters. Kusang umayos ang lahat ng himulmol at mga bagay na hindi nakatali sa kaniyang uniporme at ang kanina'y madumi ay biglang luminis. Gano'n din ang suot na sapatos na kanina'y hindi nakasintas. Nakita ko rin ang buhok niya na parang nabasa at maya-maya pa, parang bago na siyang ligo. Lumutang rin mula sa lapag ang bagay na nakatali sa buhok niya kahapon at kusang tumali sa dati nitong puwesto. Wow! Ang ayos na niyang tignan kumpara kanina.

"Wow, nice tip." sabi ko nang maisip na puwede ko 'yong gamitin kapag late na ako sa klase. Na mukhang narinig ata ni Tye ang kung anong pinaplano ko.

"Let me guess. Siguro, ginagamit mo 'yan kapag wala ka nang oras para maligo ano?" pambuburo ni Tye na hindi ikinatuwa nitong si Chris.

"Just shut up, bro. Naliligo si Jane. Alam ko kung anong amoy niyan kung hindi naliligo."

"Anong amoy?"

"Dean pati ba naman ikaw? Argh! Ang dudugyot ninyo. Mabuti pa, bilisan niyo na dahil marami nang papasok rito maya-maya lang." Paggawad ng nakakatusok na irap ni Harrieth, nauna na siya para lumabas.

"Rejuvenus." nakita kong saad ni O at Al ng sabay at lalo na silang umayos kumpara sa lagay nila kanina. "Oh my gosh. This charm's so lit! I love it na."

"I know, O. Let's go." At hinila na ni Al si O palabas ng Square.

"Rejuvenus." Nagsabay-sabay kaming tatlong magsabi ng spell at si Chris lang ang hindi nagbago ang hitsura.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon