Dean Foster | Fourteen

365 11 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN:

THE ONE WHO KNOWS THEM TWO

THIRD PERSON

Tahimik na nilakad nina Dean at Harrieth ang direksyong itinuro sa kanila ni Professor Zedd. Matapos nilang madaanan ang iba't ibang uri ng shops ay narating na rin nila ang black and old-fashioned Wand Shop na katabi ng isang Flower Boutique.

"Dean, I think, nandito na tayo." Hinintuan nila ang isang munti at itim na tindahan. At ayon sa naaalala ni Dean, ito nga ang Wand Shop na tinutukoy ng Propesor.

"Nandito na nga tayo."

— — — o0O0o — — —

K H E N D R A N D E R ' S
- t h e w a n d m a k e r -
s i n c e | 1 6 C. E.

— — — o0O0o — — —

Pagkabasa ni Harrieth sa oak signage, na nakasabit sa posteng nasa gilid ng shop, ay pinasok na nila ito. Pinihit niya ang tatangnan ng pinto at bumati sa kanila ang kilansing ng welcome bells.

*Kring-kring-kring! Kring! Kring....*

Sa pagsubo ng munting pinto sa kanila, sabay silang napakunot ng noo dahil wala silang nadatnang elementalists sa loob ng shop. Maging ang may-ari nito na inaasahan nilang nakatayo sa counter table ay wala rin doon.

"Tao po?" malakas na tanong ni Harrieth sa kawalan. Si Dean nama'y nakasunod lang sa kaniya habang hinuhusgahan ang masapot na dingding ng buong shop. "Sir Khendrander?" ulit pa nitong hiyaw pero bigo pa rin siyang makakuha ng sagot. Bakit kaya walang tao?

"Sir? Hello?"

"Tao po?"

"Sir?"

Nang wala na talagang tumutugon sa mga pagtawag nila, minabuti na lang nilang maglibot at mangialam ng gamit sa loob habang naghihintay.

Madilim ang buong shop dahil isang muting chandelier lang nag-iisa nitong liwanag. Pinalilibutan naman sina Dean ng mga wand shelf na punong-puno ng makukulay na wand boxes. At sa bawat kulay ng box, may nakatatak na pangalan at taon na hindi rin maipaliwanag ni Harrieth kung ano ang layunin.

"Bakit kaya may iba't ibang kulay ang mga 'to?" kuwestiyon ni Dean sa sarili habang ini-imbestigahan ang hawak na puting kahon. Sa ilalim ng kahon, nabasa niya ang mga nakasulat na salitang,

———.o0O0o.———
ERITHELLE CANATHY HUMPLETTE
1845 – 1990
———.o0O0o.———

Tinangka niya 'yong buksan, ngunit ibinalik din kaagad nang hindi niya magawa. Weird.

Samantala, sa gilid ng silid, pumukaw sa mga mata ni Harrieth ang aparador na gawa ang surface sa isang pulidong salamin. Dahil na rin sa kuryosidad ay agad niya 'yong pinuntahan.

Bahagyang nanlaki ang dalawa niyang mata at napanganga sa pagkagulat dahil hindi siya makapaniwala sa nakita. "Oh. My. God!" namamangha at mapagtanong niyang reaksyon nang makita, harap-harapan ang tatlong kumikinang na precious wands. "How come na nandito ang mga wand ng tatlong Wayward Witch?" halos singhal pa niyang tanong. "I-imposible. M-matagal ng sira ang mga 'to! H-hindi ito maaa—"

"Hindi maaari ang alin, Ms. Smythe?"

"AHHH!"

Sa sobrang lapit ng mukha ni Harrieth sa salamin, biglang sumulpot ang matandang lalaki sa harapan niya. Hindi niya 'yon inaasahan, kaya napatili siya ng malakas at napabalikwas sa sobrang gulat. Nang ma-out balance, natamaan niya ang katabing shelve kaya nahulugan siya sa ulo ng mga wandbox pagkatumba.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon