this chapter is dedicated to Astrxxd_BlueKnight
CHAPTER SEVENTEEN:
SHOUXCLAVE'S FOUR DIVISIONS
∞
THIRD PERSON
Buong pusong pinalakpakan ng mga estudyante ng Shouxclave ang pagdating ng mga first year students. Magaganap na naman ang panibagong taon kasama sila. Nakatayo ang halos mag-iisang libong estudyante bilang pagtanggap sa mga panauhin kasama ng mga Professor, Headmasters, at Headmistresses ng paaralan.
Pagpasok pa lang nila Dean sa rectangular and gigantic Hall, una nang sumalubong sa kanila ang powdered fireworks na may kulay asul, luntian, puti at ginto, kulay ng abo, at pula na hindi nalalaglag ang pulbos kapag sumabog. Iba-iba namang emosyon ang matutunghayan mo sa kanilang mga mata.
Dumaan ang lahat ng first year sa malawak at mahabang white carpet na pinagigitnaan ng apat na mahahabang mahogany tables. Sa bawat mesa, iba't iba ang kulay ng mga nakalatag na tablemat. Kung anong kulay ng mattress, gano'n din ang kulay ng carpet na nasa ibabang gilid ng mesa. Sa tuktok naman ng mga lamesa, lumulutang ang mga nakahilerang flag na may iba't ibang symbollic logo. At ang isa sa mga mapapansin sa loob ng napakalaking bulwagan ay ang color code na sinusunod ng four equally divided places.
Sa pinaka-unang table, sa left side na kinatatayuan ni Dean, ay may gray-matted table. Gano'n rin ang kulay ng carpet nila at ang flag nilang may logo ng isang nakabukadkad na uri ng ibon. Nakamamangha 'yong tignan dahil naglalabas ang flag nila ng silver glitters na tila sumasabay pa sa pagsipol ng hangin. Mapapansin naman sa mga estudyanteng nakaupo ro'n ang kulay abo rin nilang cape. May logo 'yon na gaya sa flag nila at malaking letrang C.
Samantala, sa pangalawang table naman, mayroon silang color brown tablemat, kulay lupang carpet, at gano'n din sa symbolical flag nilang may ulo ng isang deer—na naglalabas ng mga berdeng dahong nagfi-fade in mid-air. Sa likuran naman ng cape nila ay may nakatatak ding logo at letrang P.
Matapos no'n, napadako naman ng tingin si Dean sa kanan. Doon niya nakitang sa third protracted table ay kulay asul ang mattress at floor mat nila. Sa flag naman nilang kulay dagat, masasaksihan ang naka-imprintang logo ng isang ulo ng unicorn. Naglalabas ang flag nila ng maraming patak ng tubig—na parang umuulan—at naglalaho rin kaagad matapos ang dalawang segundo. Sa likod naman ng mga kapa nilang may simbolo, mapupuna ang titik H.
And lastly, sa pinakadulong bahagi ng table, masisilayan ang mga estudyanteng halatang napipilitan lang sa pagpalakpak. Sa mga hitsura't aura pa lang nila, mukhang hindi mo sila makakausap ng basta-basta. Puwera na lang kung kabilang ka sa grupo nila. You'll see power, pride, and bravery in their eyes. Napatingin pa si Dean sa isa sa kanila at sinamaan lang siya ng tingin. Bumulong pa ito sa dalawang katabi saka nagtawanan matapos ipakita kay Dean ang gitnang daliri niya. Napa-iling na lang si Dean at ngumisi sa kawalan.
Red as tremendous as fire is their primary color. Mula sa table, sa carpet, hanggang sa flag nilang may simbolo ng isang ulo ng bull—pula ang makikita mo. At kitang-kita na inilalabas ng flag na 'yon ang nagniningas na magma'ng agad ring naglalaho kapag nahulog na. Sa allegorical red cape nilang suot, mapapansin ang titik S.
Sa harapan ng lahat ng estudyante, makikita naman ang three-leveled and arched area para sa mga teachers.
Doon, kagalang-galang na nakatayo at nakaharap sa lahat ang mga pumapalakpak na Propesor, Headmasters, and Headmistresses, suot ang mga kasuotang kakaiba sa paningin. At katulad ng sa nauna, may mga kakaibang upuan at mesa rin silang kulay puti na binudburan ng totoong ginto.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasíaDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...