CHAPTER FOUR:
TURNING SIXTEEN WITH HIS UNINVITED VISITOR
∞
DEAN
Napamulat ako ng mata matapos mag-ring ang alarm clock na nasa ulunan ko. Doon sa akin tumambad ang gawaing hindi ko namalayang natulugan ko pala kanina.
Sinusubukan ko kasing ayusin 'tong pinunit na sulat ni auntie, tapos dala na rin siguro ng antok, naka-idlip na pala ako sa lamesa. Buti na lang at araw-araw naka-set ang alarm clock.
Humikab ako nang kaunti at nag-inat-inat. Doon na nahulog ang pieces ng envelope at nagkalat na sa sahig. Nako naman...
Walang gana kong pinulot ang bawat piraso ng papel at ibinalik sa mesa saka sinubukan muling pagtagpitagpiin. Pero sa kasamaang palad, nabigo na naman ako. Kahit isang salita man lang sana ang mabuo ko, wala talaga. Kung tutuosin, parang wala naman talagang nakasulat sa papel eh. Bond paper nga lang yata ang laman no'ng sobre.
Ayoko na nga.
Naasar lang ako dahil sa sobrang labo at imposible niyang mabuo. Kaya sinalok ko na lahat ng 'yon sabay tapon sa basurahang nasa gilid ng inuupuang salump'wit.
Wala akong maisip na magawa, kaya naisipan kong mag-ayos na lang ng gamit dito sa loob ng lumang kuwarto ni Kurt. At nakakabanas 'yon dahil sobrang kalat ng kuwarto niya. Nag-kalat ang mga collectibles at limited robots niya, mga sirang gadgets, lumang appliances, mga Xbox, Nintendo, DVDS, comics at libro, at kung anu-ano pa na pinagsawaan na niya—na kung ikukumpara mo sa kuwarto ko sa attic ay walang binatbat.
Nang matapos na 'ko sa paglilinis, sobrang ayos na nang lahat. Isa na lang ang kulang at iyon ay ang liwanag. Binuksan ko ang makakapal at napakalaking kurtina sa kuwarto niyang kulay impyerno. At nang maaliwalas na ang paligid, humilata ako sa malambot niyang kama at tumingin sa pulang pader. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang petsa ngayon. Napangiti ako.
"Oo nga ano? Birthday ko na nga pala ngayon? Muntikan ko pang makalimutan." sabay tawa sa kawalan.
It's a fact na hindi ako naghahanda tuwing birthday ko. Saan naman ako kukuha ng pambili hindi ba? At aaminin kong sa buong buhay ko, wala pa akong natitikman na masasarap na pagkain, kahit man lang sa kaarawan ko. Ano pa nga bang maaasahan ko kina uncle at auntie? Napakamalas lang na sa kanila pa ako napunta imbes na sa ampunan.
Pangalawa, hindi ko rin naman mahandaan ang sarili ko dahil sabi ko nga, wala rin naman akong pera. Saka kahit naman may pera ako, hindi nila ako papayagang mag-celebrate ng birthday ko. Kung baga, tinanggalan na nila ako ng karapatan sa bahay na 'to—period.
"Happy 16th birthday na lang Dean."
Siguro sa labing anim na taon ko nang nakakulong dito, masasabi ko na rin na parang balewala na may kaarawan ako. Dahil ako lang naman palagi ang nagdiriwang no'n eh. Haaaayst...
"DEAN DAVID FOSTER!!! BUMABA KA NA NGA RIYAN! TANGHALI NA AT WALA PA RIN KAMING MAKAKAIN! ANO BA?! MALI-LATE NA NAMAN KAMING LAHAT AT WALA KA PA RING PLANONG BUMABA AT MAGLUTO?! ANO BA NAMAN 'YAN JUSKO?!!"
Nagulantang ako sa sinigaw ni auntie sa ibaba na medyo hindi ko maintidihan. Pangalan ko lang ata ang narinig ko at 'yong reklamo niyang hindi pa raw ako nakakapagluto. Teka? Akala ko ba malinaw ang lahat na banned ako ng 10 days? Eh ano na naman itong nirereklamo nila sa akin? Napakalabo naman nila.
Tumayo agad ako sa kama dahil baka kung ano na namang maabot ko sa kanila kung 'di ako kumilos. Akma ko na sanang pipihitin ang knob ng pinto nang may narinig akong tunog ng kumikilansing ng lata.
BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...