Dean Foster | Twenty Five

26 2 0
                                    

dahil sa pampaganang comment ni azzzzeeeel at sa bagong dark mode na wattpad update, na ngayon ko lang nalaman, here are your chapters. keep safe everyone!

CHAPTER TWENTY FIVE:

A TRUE ACUMENTAL'S PURPOSE

DEAN

Una sa lahat, bakit ako naging leader? Ako pa na hindi naman inaasahang makakatayo pala sa itatama niyang mentus. At pangalawa, hindi ko naman alam kung paano ko 'yon nagawa kanina at higit sa lahat, walang kasiguraduhan na kaya ko na nga talagang gumawa ng invisible shield. Nako naman...

Baka magmukha lang akong mangmang sa mga kagrupo ko at tutulala lang dahil hindi alam mismo ang gagawin.

Nagulat ako dahil may tatlong lalaking pumili sa akin bilang lider-lideran nila. Kinakabahan tuloy ako sa magiging lagay namin mamaya. Bahala na si Batman.

"Ikaw si Dean, 'di ba?" tanong ng naunang lumapit sa akin. Tumango lang ako sa kaniya. "Ang galing no'ng kanina, ha. Hindi ko alam kung paano mo nagawa 'yon. Zach nga pala, dre. Zachary Nottingheim galing ng Crystalsteam division." pagpapakilala niya sabay abot ng kamay na pormal na pormal. Ito na 'yong kaba ko sa kung paano ko raw 'yon nagawa kanina. Ships.

"Uhm, Throne Delavine from Humblecreek naman." pakilala naman no'ng isa na halatang may accent 'yong tono at parang galing ibang bansa.

"Sig." simpleng sabi naman no'ng nahuli habang nakikipagkamayan. "Sig Ripgorge. Galing naman ng Shreevelurd." Woah. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng kagrupong galing ng Shreevelurd division. At mas hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng kagrupo galing sa iba't ibang division. At ang pinakahindi ko inaasahan sa lahat, pati ni Throne at Zach, ang sinabing sunod ni Sig. "At pinapangunahan ko na kayong bakla ako." saka siya umupo ng may kaunting espasyo sa kahoy katabi ng dalawa.

Wow. Ang tapang niya. Pero ang lalaki ng galaw niya. Kaya pala no'ng kinamayan ko siya, parang may naramdaman ako sa titig niya. Hindi sa pagiging judgmental pero, ngayon ko lang kasi 'yon naano. Basta alam niyo na 'yon. Na parang may ibang dugo ang humahati sa katawan niya.

"Ayan na ata 'yong isa." sabi nitong si Zach at napatingin ako sa tumatakbong babae papalapit sa akin. Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit unti-unting bumibilis 'yong pintig ng puso ko. Putik, ang corny. 'Di, seryoso talaga. Nakatitig lang ako sa mga ngiti niya habang papalapit sa akin na parang bumabagal 'yong paligid ko. Kahit pa umaalog ng kaunti 'yong... 'yong ano niya sa fitted na uniform, wala akong pakialam—kaunti lang.

Unang beses ko pa lang 'tong naramdaman sa buong buhay ko. Na para akong nakakita ng dyosang gusto akong lapitan at yayain ako para magpakasal. Shit, tama na talaga. Napakamais ko na. Basta, para sa akin napakaperpekto niyang tao—elementalist. Solid.

"Aray!" biglang may tumama sa ulo ko ng bato kaya heto ako ngayon at nakatingin ng masama sa kaniya.

"Kinakausap ka, hindi ka sumasagot." sabi ni Zach at kita ko 'yong dalawa na pinagtatawanan ako. Anong kinakausap?

"Ang sabi ko, you're Dean Foster, right?" sabi niya sabay labas na naman ng ngiti niya. Shit. Hindi ko na nakuhang sumagot dahil inilahad na niya ang kanang kamay para magpakilala. "Ako naman si Madz. Madeleine Quillsmer."

Galing sa gilid ng suot na fitted jeans, pinunasan ko ang kanang kamay ng maayos at nakipagkamayan sa kaniya. "A-ah, Dean. Dean Foster." At saka niya inalis ang malamyos niyang kamay kumpara sa nakakahiya kong palad na napakaraming kalyo.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon