CHAPTER TWENTY THREE:
THE INTRIGUING INGREDIENTS OF GRIMTOLAXIA CONCOCTION
∞
DEAN
"...sing ka na ba? Bro?! We're calling your name for ages. Late na kami kaya mauuna na raw kaming apat."
Pagmulat ko ng mga mata, ang kulay pulang sulat kaagad ang nakita ko. Seryoso 'yong nakatitig sa akin kaya pinandilatan ko 'yon ng mga mata hanggang maging 7 ang kaninang 8:06 lang. Oh, fudge! Late na 'ko.
"Bakit ba nakalimutan ko na namang nag-alarm?" sigaw ko sa kawalan. "Haaayst!!!"
Mabilisan lang akong naligo kahit pa mabagal ang oras dito sa loob ng washroom. Habang isinusuot ang pantalon at ordinaryong puting t-shirt na pang-alis, hinanap ko naman sa mga kahon ang plant pots at elemental soils na nabili namin sa Alley kamakailan. Nagmamadali kong binuksan ang lagayan ng lupa at isinilid kaagad sa munting paso. May natapon pa sa sahig pero wala na akong oras para magpulot.
Matapos no'n, hinanap ko sa bulsa ng bag ang buto ng twigless dandelion at natataranta na 'ko dahil hindi ko alam kung saan ko naipatong 'yong bag ko. Pagkahanap sa ilalim ng kama, kinuha ko ang buto at agad itinanim sa pasong may black soil. Diniligan ko 'yon matapos at dumiretso sa walk-in wardrobe para magsuot ng puting sapatos.
Hindi naman ako nag-abala dahil kusa itong nagsintas mag-isa habang inaasikaso na ako ng suklay, pabango, at kung anu-anong kaewanan na hindi ko naman kailangan. Hindi na rin kami ni-require mag-uniform dahil nga sa quest lang ito kaya magsuot raw ng kung saan kami komportable.
Hindi na ako nag-bag dahil hindi rin lang namin 'yon magagamit mamaya. Kinuha ko na rin 'yong Luminous Lamp at compass sa mga lagayan bago tuluyang makalabas ng kuwarto. Nagmadali akong bumaba sa salas habang pinagpipilian kung sa kusina ba ako pupunta para kumain o sa pinto dahil 8:18 na.
Kung sa tingin niyong pinto ang uunahin ko, siyempre hindi. Gutom na rin kasi ako kaya naghalungkat muna ako sa mesa. Pagbukas ng bagay na nakataob dito ay gumulat sa akin ang munting puting platito. Sa gitna no'n nakapatong ang piraso ng pagkain. Sa tantsa ko, one inch ang laki no'n na parang isang uri ng brownies—kulay puti nga lang.
Sa gilid ng platito ay may isang baso naman ng gatas. At sa ilalim ng baso, naka-ipit ang yellow note na may sulat-kamay kaya kinuha ko kaagad.
Satisbites.
Good for empty stomachs.
- AlHmn. Ang lakas ko talaga kay Al.
Ibinulsa ko 'yong note at in-straight 'yong gatas pagkatapos malunok ang nanguyang matamis na tinatawag kunong satisbites. Tumakbo ako palabas at dumiretso sa south wing. Habang hinahabol ang hininga, narating ko rin ang meeting area at narito na kami ngayon sa labas ng kastilyo sa isang malaking field. Pinalilibutan kami ng mga masasaganang punong kapag tinitigan ng malayo ang masukal na gubat ay parang lulunurin ka. Kahit medyo sumisilip na ang araw, umaaligid pa rin ang ga-tuhod na hamog kahit saan.
"Sir, sorry sir I'm late." nahihiya kong pahayag sa paglabas ng matuling hininga. Nakaletrang-C ang lahat ng kaklase ko sa harap ng propesor at nasa gilid naman niya ako ngayon. Isa akong panira kaya nasa akin na naman lahat ng mapamintas na mata. Nahiya tuloy ako bigla lalo pa no'ng sinabi ng professor naming,
"First week of school and you are twenty four minutes late? You're better than that, Mr. Foster." Nag-sorry lang ulit ako at nangakong hindi na 'yon mauulit. "Go on then, escort your mates and we will begin shortly."
BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...