Dean Foster | Thirty Nine

23 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY NINE:

A FIGHT FOR TRUTH

DEAN

Tatlong araw na ang nakalilipas nang mangyari ang trahedya sa Pidmenton Place kung saan nakatira ang halos lahat ng kamag-anak ni Alcyone. Ibig sabihin, magtatatlong araw na rin akong walang maayos na tulog, kain, pahinga, pati na rin ang pagligo. Dalawang araw na rin akong hindi pumapasok sa klase at ewan ko sa sarili ko kung bakit parang nawalan na ako ng gana sa mundong 'to, sa mga bagay na nakapaligid sa akin, pakikipag-usap sa mga kasama ko, at wala na rin akong pakialam kung mamatay man ako, ngayon na.

Si Alcyone lang ang nasa utak ko ngayon at nanariwa pa rin ang mga sugat na nagpapaalala sa akin na ako ang kisa-isang saksi sa mga nangyari sa trahedyang iyon. Marami ngang tanong, eh, actually. Napakaraming tanong na nanggugulo sa utak ko at anong aasahan kong sagot sa sarili ko.

Kinabukasan pagkatapos ng nangyari, napanaginipan ko ang Dark One. Gaya ng mga binabanta niya sa akin, kung hindi pa rin daw ako kikilos, patuloy lang siya sa pagpatay ng mga elementalists na malapit sa akin. At wala raw akong ibang sisisihin, kung hindi ang sarili ko, dahil isusunod na niya si Octavia at ang pamilya niyang nasa Alley and District Region. At hindi ko na 'yon hahayaan pang mangyari ulit. Hindi na ulit.

Pagkatapos ng mga nangyari sa Top House na pagsundo kay Al, hindi na namin siya nakita pa hanggang ngayon. Hindi ko rin alam kung kailan muli siya makakabalik sa bahay. Sana lang talaga, kapag nagkita kami, maipaliwanag kong lahat sa kaniya ang mga totoong nangyari nang gabing 'yon. At sana, sa pagsabi ko, mapatawad niya ako dahil wala akong nagawa para iligtas—hindi lamang ang mga magulang niya, maging kung hindi ang lahat ng taong namatay sa lugar na 'yon. At isinusumpa ko, na mabibigyan ko rin silang lahat ng hustisya. Na nagbuwis sila ng buhay, hindi para sa wala lang. Itatak nila 'yan sa mga baga nila. Balang-araw.

"Dismissed."

Lumabas na kaming lahat ng mga kaklase ko nang tapos na palang magpaliwanag si Professor Gemsworth. Hindi ko man lang namalayan. Nagpaalam na rin ako sa mga barkada ko rito at sinabing hindi muna makakasama sa kanila bukas para dumayo raw sa siyudad, total Sabado naman.

Ngayong Biyernes lang ako nagkaroon ng ganang pumasok dahil training ngayon para sa Telekinesis. Aaminin ko, na sana natulog na lang ako dahil wala naman akong natutunan kay Professor Psyche. Ilang beses niya ako kaninang umaga sinisigawan at ipinahiya sa pagpaparinig. Pero imbes na maapektuhan ang pagfocus at pagpalutang ko ng mga bagay, mas lalo lang akong nawalan ng gana.

Humihikab akong naglalakad sa kadiliman ng corridor ng second floor. Kumikidlat ng walang tunog ang nanggagalit na kalangitan at wala na ring matatanaw na liwanag ng araw sa paligid ng tatlong kakahuyan ng Shouxclave. Nakakapangilabot rin ang ginaw na dinadala ng malakas na hangin na halos maitangay ka sa sorbang lakas. Walang gana akong pumasok sa isa sa mga lagusan papuntang Division. Wala pa akong masyadong ginagawa ngayong buong araw na ito pero gusto ko nang magpahinga at matulog na lang sa sobrang hapo ng utak ko kakaisip ng mga suliranin.

Noong gabing 'yon, nailigtas ko ang lola ni Al pero hindi ko sigurado kung nakaligtas nga ba siya dahil nang oras na balikan ko siya sa gubat, wala na siya. May nailimbag na ring dyaryo kamaikailan at hindi ko maiwasang hindi tignan ang front page ng Elemental Tidings. Halos lahat ng nilalaman ng babasahin ang tungkol sa mga nangyri sa Pidmenton Place. Pero nakapagtataka lang dahil wala akong nabasang kahit na anong interview tungkol sa lola ni Al na siya lamang ang nakaligtas ng gabing 'yon. Dumadagdag pa tuloy sa problema ko na ano na kaya ang nangyari sa kaniya at saan siya pumunta ng oras na 'yon.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon