this chapter is dedicated to kayeeengggpaula
CHAPTER TEN:
EXPLORING THE POLLYGON ALLEY
∞
DEAN
"Leaving so soon?" Napalingon ako sa likuran nang magsalita ang lalaking kanina ko pa hinihintay. Sabi ko na nga ba at darating siya, eh. "Nang wala ako?"
"Professor!" bungad ko sa kaniya habang hinihintay siyang sabayan ako.
"Tila nagmamadali ka yata sa ating pupuntahan?" Naglakad siya papunta sa tabi ko hanggang sa sabay na kaming naglalakad papunta sa portal.
"Sabi ko na nga ba't darating po kayo, eh."
Naglakad pa kami ng naglakad hanggang marating na namin ang mismong dulo ng pila. Siguro kung tatansyahin ko, mga nasa ika-isang daan kaming puwesto. Matagal-tagal din ito.
"Nga pala, Dean. I have something for you." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sir. "Take this," inabot niya sa akin ang isang bagay na galing sa loob ng suit niya. Teka, paanong nagkasya 'yon do'n? "Open it."
Kinuha ko agad ang kahong inaabot niya saka 'yon pinagmasdan. Isa 'yong makalumang kahoy na may mga naka-ukit na hindi ko maintindihang letra. Nang buksan ko ang kahon, nagpakita sa akin ang isang makalumang scroll kaya kinuha ko 'yon.
"Sir, para saan po ang scroll na ito?" tanong ko habang umuusad sa pila. Kinuha naman niya sa akin 'yong kahon at ibinalik na sa loob ng suit niya.
"Malalaman mo rin maya-maya." nakangiti niyang sabi. "Kapag nakapasok na tayo sa Portal Archway na 'yon," sabay turo sa arkong nakita ko kanina sa gitna. Portal Archway pala ang tawag do'n.
Bumaling ulit ang tingin ko sa hawak na scroll. Sinusubukan ko naman 'yong buksan, pero bakit gano'n? May problema yata? Kaya ininspeksyon ko 'uli 'yon at do'n ko nalamang naka-lock pala ang golden seal ng scroll. Haaayst. Magtatanong na sana ako kay Professor Zedd kung paano 'to mabubuksan, pero hindi ko na lang ginawa.
Sa gitna ng napakahabang pila, nakita ko ang ilan sa elementalists na mayro'n ring hawak na scroll, gaya ng akin. At sa umuusad na pila, napansin ko 'yong babaeng hindi kalayuan sa puwesto namin na pilit ding binubuksan ang scroll na hawak. Pero kahit ano pang gawin niya, hindi pa rin talaga mabuksan. Ano bang problema ng scroll na ito at ayaw mabuksan? Baka naman pinupunit talaga 'to? Joke.
Sa pagka-curious, mataman ko 'uli 'yong ininspeksyon: may Golden Seal na nakalagay sa gitna ng scroll. Isang golden metal seal na nagsisilbing lock nito. At kung hindi ako nagkakamali, ang seal na ito ay ang coat of arms ng papasukan kong school—na nakita ko na isang beses. Saan na nga ba 'yon? Ayun! Sa envelope na binigay sa akin no'ng ibong may isang mata. May logo 'yon ng Shouxclave habang Shouxclave's Coat of Arms naman ang isang 'to.
Nahahati sa apat na side ang coat of arms ng Shouxclave: top left, top right, down left, at down right.
Sa top left, makikita mo ang ulo ng isang brown stag na seryosong nakatingin sa kaliwang bahagi ng kawalan. Isang stag na may mga dahon at ibon sa dalawang kayumangging sungay niya.
Sa top right naman, mapapansin mo ang ulo ng isang blue phoenix na matapang namang nakatingin sa kanan. At sa likod niya, nakabuka ang napakaganda at kumikinang niyang mga pakpak.
Samantala, sa down left naman ng coat of arms, makikita ang isang ulo ng puting unicorn na may mahaba at magandang puting buhok. Nakangiti 'yong nakatingin sa kaliwa. Agaw pansin din ang unicorn na 'to dahil sa kulay tubig niyang sungay na makikita sa gitna ng noo niya.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasiDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...