CHAPTER TWENTY SIX:
"... WEAK AND NEVER WANTED A FIGHT."
∞
DEAN
"Al!!!"
Sabay-sabay kaming napasigaw ng pangalan ni Al nang bigla siyang umangat sa himapapawid. May malalaking baging ang nakapulupot sa leeg niya at galing sa mga punong nakakalat sa paligid. Nahihirapan ng huminga si Al at hindi siya makaganti sa babaeng ginagamitan siya ng mentus. Hindi!!!
Gustuhin ko mang lapitan si Al pero hindi ko magawa dahil nakatali ang kamay ko sa likuran. Pagtingin ko ro'n, may kuryenteng nakagapos sa akin na lalong nakaka‐panghina kung nilalaban ko. Kita ko sa peripheral vision na may lalaki sa likuran ko at habang nakaluhod ako sa sakit, kinukuryente ng dal'wang kamay nito ang magkabilang sentido ko. Kaya hindi ako makagamit ng mentus at makagalaw ng maayos para tumulong. Parang tinatanggal ang bawat ugat ko sa utak.
"AHHHH!!!"
Unti-unti na akong nanghihina at sasabog na ang utak ko sa sobrang sakit. Wala na rin akong maramdaman dahil namamanhid na ang buo kong sistema.
Nasa likuran ako ngunit nanlalabo man ang mata, naaninag ko si Chris na nakabaon ang kalahating katawan sa lupa. Nakatalikod ang lalaking may gawa no'n kaya hindi ko siya mamukaan. Nakita ko rin si Octavia na nakakulong sa malaking bolang tubig at nahihirapan na rin siyang huminga. Lalaki rin ang nagmamanipula ng tubig at nakaside view man ay hindi ko pa rin matandaan ang mukha nito.
Sunod kong nakita si Tye. Hindi siya makagalaw dahil sa mga matutulis na bagay na natatutok sa leeg niya. Gawa ang bagay na 'yon sa itim na kulay na hindi ko matukoy kung ano'ng tawag. Isang maling galaw niya lang at babaon ang mga 'yon sa kaniya. Isang babae ang may gawa no'n.
Ano bang nangyayari? Nasaan na naman ba ako? Kami? Saka, bakit kami pinapahirapan ng ganito? Sino ba sila?!
"Isang beses ko na lang uulitin, Dean." sinubukan kong tumingin ng maayos sa babaeng nagsalita. Nakaharap na siya pero masyado nang lumabo ang mga mata ko at papikit na sa sobrang pagod sa pagtitiis. "Give me the elemental seed."
Gustuhin ko mang sabihing "Wala nga sa akin ang hinahanap ninyo! Bakit ba sa akin niyo 'yon hinahanap kung wala akong alam tungkol sa mga butong 'yon?!" pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Hindi ko magawang makapagsalita ng maayos.
Ilang sandali pa, biglang nag-iba ang boses niya. Narinig ko na naman ang tinig ng taong pumatay sa mga magulang ko. Ang boses na nakausap ko sa hall, ang Dark One. "Bring back the seeds or her family will die." sabay turo nito sa babaeng nakalutang ngayon at kaunti na lang malalagutan na ng hininga. Al.
Hindi ko na kayang titigan ang mga kaibigan kong nahihirapan. At nang sasabihin kong ibibigay ko na sana ang hinahanap nito, nang may sumabog sa tapat mismo ni Alcyone.
Sobra ang nakakasulasok na usok na nagawa no'n kaya lahat kami ay nawala sa konsentrasyon. Dahil din do'n, nakawala kami sa kamay ng mga taong pinaparusahan kami at nang mawala ang usok, nakabulagta na ang lahat ng mga walang awang nilalang na 'yon. Nakadapa silang anim at may kung anong sobrang liit na palasong nakatarak sa mga braso nila. 'Yon siguro ang may gawa ng pagkawala nila ng malay.
Sinong may gawa no'n sa kanila? Bakit sila lang ang tinamaan?
Hindi na ako nakapag-isip ng maayos nang makita si Alcyone na walang malay malayo sa amin. Pinilit kong maglakad papunta sa kaniya at kinabahan na ako nang makita ang napakaraming dugong umaagos sa lupa. Tumama ang ulo niya sa malaking bato. Nanginginig ko siyang hinawakan at hindi ko na napigilang umiyak at mataranta nang wala na akong mahawakang pulso nito. Hindi!!!

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...