CHAPTER THIRTY SEVEN:
SEVENTH HEAVEN
∞
DEAN
Isang linggo ang ginugol ng buong unibersidad para mapaghandaan ang Royal Ball o Royal Night. At heto na nga, dumating na ang araw na pinakainaabangan ng lahat. Linggo na at handa na ako para sa gabing 'to.
"Bro, maiwan na kita. See you sa hall." sabay tapik ni Tye na naka-asul na terno sa braso ko. Ang astig ng suot niya dahil parang may tubig na umaagos sa loob ng tela no'n. Tapos kapag nahahawakan, umiilaw ng asul. Parang may graphic interchange format sa loob ng suit niya.
Pumasok na siya sa sa isang passage ng kastilyo para masundo ang muse niya. 'Yon kasi ang rule. Lalaki ang susundo sa mga babae.
Gaya ng napag-usapan, hindi pa namin nakikita si Harrieth. Ang balita ko, ngayon yata ang announcement ng kung sinong mga nanalo para umupo sa mga trono ng ROYALTIES. Baka siguro bukas, makakasama na namin siya.
Si Chris naman at saka si O, nauna na sa hall. Wala rin akong masabi sa suot nila dahil umaapoy 'yon kapag naglalakad o naitataboy ng hangin. Sinubukan kong hawakan ang apoy at hindi ito nakakapaso. Sinong hindi mabibilib ro'n?
Habang si Al naman, sinundo na ng lalaking hindi ko mamukhaan dahil hindi ko pa yata naging kaklase. Sayang lang at hindi ako ang naging escort niya. Mag-isa tuloy akong naglalakad papuntang Crystalsteam Division para sunduin ang magiging muse kong si Demi Crimsonhill.
Kaklase namin siya ni Harrieth at Chris sa Spells and Incantations subject. Isa rin siya sa mga nagpadala ng sulat sa akin at heto, pinatulan ko na at kinita siya kaagad nang wala na akong choice. Ang pangit pakinggan na second choice lang sila pero, gano'n talaga ang buhay. Talagang may nauunang tao kaysa sa atin.
Isa pang fact, siya lang ang kaisa-isang liham na nabasa ko. Mahabang parchment 'yon pero pinagtyagaan ko talagang basahin. Sayang naman 'yong effort niya. Ang sabi niya, nakabanggan daw kami sa Pollygon Alley noong nagmamadali ako.
Hindi ko alam kung magba-blush ba ako sa sunod niyang sinabi pero simula no'ng araw na 'yon, parang na-love at first sight raw siya sa akin. May pa-ultimate fan at crush niya pa raw siyang nalalaman. Tap's ng guwapo ko raw, gano'n tapos ang macho ko raw. Joke lang 'yong pangalawa. Pati 'yong nauna.
Napakasaya niya rin daw na magkatabi kami sa Spells subject—na hindi ko man lang napansin—at siya 'yong nagpadala ng prutas sa akin ng mahimatay ako na kung maaalala niyo ay kinutya ko pa. Hindi ko man lang na-appreciate, ang gago ko lang.
Sa pinakadulo ng sulat niya, tinanong niya na kung puwede, kung wala pa akong partner, siya na lang. Para naman akong artista sa padala niya ng sulat. Pero hindi ko na 'yon pinagdalawang-isipan pa at heto na nga, nakikita ko na siya sa harapan ng Crystalsteam Division.
"Uhm... Hi." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, eh. Pero nang marinig niya ako, nanlaki ang mga mata niya at nakangiti ng sabay. Nakikipag-usap siya sa iba pa niyang kasamang naghihintay rin siguro.
"Hi!" nakangiti pa rin niyang sabi na nababasa ko sa mukha niya na napakasaya niya ngayong gabing ito.
"Uhm... Bagay sa hubog mo 'yang suot mo." totoong sabi ko sa pagkakatulala dahil napakaganda niyang tunay sa purong itim niyang gown na kapag natataman ng ilaw ay kumikinang.
Sobrang puti ng balat niya, singkit ang mga nangungusap niyang mata, maliit lang rin ang mukha niya, na sakto lang sa height niyang hanggang ilong ko. 'Di mapagkakailang maganda siya kahit wala siyang suot na kung anu-anong kaartehan sa mukha.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...