Dean Foster | Twenty One

74 3 2
                                    

this chapter is dedicated to XELEMENT_MAGEX

CHAPTER TWENTY ONE:

FIRST FIRSTS

DEAN

Pagpasok namin ni Harrieth sa vintage at medieval room na punong-puno ng potion shelves at kung anu-anong equipment, umupo na kami sa mataas na stool sa likurang bahagi ng lahat. Ipinatong ko ang bitbit na bag sa malaking mesang pang-apatan. Sa gitna ng mesa, makikita ang isang medium size na brewing bath at potion apparatuses. Bale, magkatabi kami ni Harrieth habang ka-table naman namin ang dalawang lalaking mukhang hindi namin ka-division. At saktong-sakto dahil sunod na pumasok ang propesor namin.

Nanatiling tahimik ang lahat habang nakatayo siya ng tuwid, nakangiti, at iniimbestiga ang bawat mukha namin. Naka-asul siyang long sleeves na pinatungan ng dalawang puting strap at naka-tucked in sa fitted at formal pants niya. Bagsak rin ang buhok nito, may asul na mga mata at mala-amerikanong balat.

Ibinaba niya ang makalumang brief case sa mesa at walang anu-ano ay nagsimula na siyang magsalita. "Good morning everyone!" Isa sa mga napansin ko sa pagsambit niya ng salita ay ang pagbigkas niya na parang may nginunguya siya sa kaliwa niyang bibig. Hindi ko na lang 'yon pinansin at nakinig na lang sa kaniya pagkatapos naming sabihing,

"Good morning, professor!"

"Before we jump into the next leaves of the introductory part of our book—which is about the different ways of teachings of distinct cultures around our world—let me introduce myself first to you all.

"I am Professor Jeremy Dumsterfang, a Certified Potion Researcher of the Elemental Potions Research and Labaratories. I am 26 years old from now and possesses the mentus to control all sorts of water. In a small town of Whitedell City, you can find my home standing at the heart of it. And just so everybody know, that house is open for my students anytime and you may come and visit me there if you like. We can do some chit-chats there, answer your glasses of queries about potions and the like, put everything else into a vial of solution, or perhaps a pinch of academic conversations. Kung gusto niyo lang naman pumunta. Everything is free there, don't worry." May mga mangilan-ngilang interesante sa panghikayat na ginawa ni Professor subalit kaming nasa likuran ay parang wala lang.

"So yeah... to formally start our lesson, please open your copy of Cressida Callixtine's Study of Brewing 1, turn it on page six then group yourselves into four and assign a leader." At saka siya tumalikod para magsulat sa makalumang white board gamit ang hawak na itim na chalk. Weird.

Sunod na nayupi ang noo ko dahil hindi na naman nangyari ang ini-expect ko. Ang akala ko kasi, gaya rin 'to ng ibang sitwasyon na kung first day of school, wala munang discussion at magpapakilala muna sa harap ng buong klase. Haayst...

"C'mon, folks! This will be exciting. Because we are going to brew your first potion in your first subject on your first day for the first time. So, move!"

Wow! First time ko 'tong gagawin sa buong buhay ko. Para akong nae-excite na kinakabahan. Pero nandito pa rin sa kukote ko na inaantok ako at kailangan ko nang matulog. Wala nang naglipatan sa amin ng upuan dahil obviously, hindi pa kami magkakakilala at nagkakahiyaan pa. Kaya naman kung anong ayos ng upo namin kanina, wala nang nagbago.

"Uhm, Titus Mintlefold nga pala. Crystalsteam Division."

"Ako naman si William Landing, same division."

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon