this chapter is dedicated to Zen_Ravery
CHAPTER THREE:
THE SHREDDED LETTER FROM NOONE∞
VERONICA
Nasa office ako kanina nang may tumawag sa phone ko at si William 'yon. Hindi ko alam kung bakit ba siya napatawag sa oras ng pagta-trabaho ko. Basta't umuwi na lang muna raw ako ng bahay dahil isa raw iyong napakahabang istorya. Kaya napilitan akong umuwi.
Pagpasok ko ng bahay, nakita ko si William sa kitchen na naka-upo at mukhang napakalalim ng iniisp. Ano na naman bang nangyayari?
"Veronica," bungad niya sa akin nang mapansin niyang nakauwi na pala ako.
"O, ano na? Nasaan na 'yang big deal na problemang 'yan at pinauwi-uwi mo pa ako? Alam mo na ngang ang dami-dami pang naiwang trabaho sa opisina. At saka bakit hindi ka na bumalik, ha?" kunot-noo kong talak sa kaniya.
"Huwag mo na nga munang isipin 'yan! May mas malaki tayong problema kaysa diyan," sagot naman niya. Problema?
"Veronica, kailangan na nating bantayan si Dean. In-expelled na siya sa University dahil—" napahinto siya sa pagsasalita na para bang kinakabahan. "Dahil..."
"Dahil ano?!" Ano bang nangyayari sa kaniya at hindi niya na lang sabihin sa akin ng deretahan?
"D-dahil hindi na siya normal!" napakalakas niyang hiyaw. Sa pagsabi pa lang niya ng mga salitang 'yan, alam ko na kaagad kung ano'ng ibig niyang sabihin. "In-expelled siya sa University dahil lumalabas na ang pagka-elemental person niya!"
Ano?! Natahimik lang ako sa mga sinabi ni William. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin dahil do'n. Hindi ito maaari...
"S-so, i-ibig sabihin...?"
"Oo, Veronica. Hindi na siya normal."
Kung gano'n nga ang nangyari, kailangan na namin siyang bantayang mabuti at doblehin pa ang pagiingat. Dahil paniguradong mauulit na naman ang mga kinatatakutan ko ilang dekada na rin ang nakakalipas.
Napaupo na rin ako sa tabi niya. "P-pero... Hindi ito puwede. A-ayoko nang maulit muli ang mga nangyari noon, William. Kailangan na natin siyang itago. Natatakot ako. Natatakot ako para sa kaniya. Ayoko siyang matulad sa mga magulang niya?!"
Nag-aalala ako para kay Dean. Hindi ako makakapayag na magaya siya sa mga magulang niyang hindi rin normal! Ayokong mangyari sa kaniya ang nangyari sa kapatid ko. Na dahil sa pagka-maligno niya, nawala siya sa amin at hindi na bumalik pa.
Kaya naman hindi na namin iyon hahayaang mangyari pa ni William. Dahil matagal nang wala sa dugo namin ang lahing mga halimaw!
"Tama, hindi siya puwedeng makuha ng mga kagaya niya. Kailangan natin siyang ilayo sa kanila. At kailangan na nating kumilos kaagad dahil bukas na ang birthday niya!"
"Ano?!"
Sa pagkataranta, agad kaming umakyat sa attic para silipin si Dean. Baka kasi may mga salot na'ng nakapasok sa loob ng kuwarto niya at bigla na lang siyang kuhanin. Bagay, na nangyari noon sa kapatid ko bago siya mawala. At tanda ko pa hanggang ngayon kung paano siya kinuha ng mga kagaya niya.
Ilang dekada na ang nakakalipas, gabi nang mangyari ang insidente. Masaya kaming nagtatawanan at nagkukulitan ng kapatid ko sa loob ng kuwarto namin. Wala kaming ibang ginawa ng gabing 'yon kung hindi ang magtawanan lang ng magtawanan. Hanggang sa bigla na lang dumating ang hindi namin inaasahang pagkakataon. May kung anong bagay ang nasa veranda namin.
Buong akala namin ay isa iyong magnanakaw na gusto kaming pagnakawan. Pero nagulat kami nang biglang may lumipad patungo sa harapan ng kapatid ko. At kita ng dalawa kong mata na isa iyong kumikinang at nagliliwanag na ibon. Isang ibon na may envelope sa tuka na dahan-dahang inabot ng kapatid ko.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...