CHAPTER FORTY FOUR:
A LODGE TO CREEP AROUND A HUT IN THE WOODS
∞
DEAN
Pagkaraang sabihin ko sa kanila ang lahat ng plano, alas sinco y media pa lang ay lumabas na kami ng Top-House at saka pumuslit sa gawing kanan ng Souxclave. Dumiretso kami sa Inn to the Wooden Huts na kailangang tawirin sa tulay dahil sa Luminiscence Lake. Nasa bukana ng Fantasy Forest ang Inn.
Pagpasok sa entrance lodge ng Inn, nakita namin ang isang fourth year student na tagapagbantay ng lugar at ilang naglilinis. Wala ng mga estudyante ang makikita sa malawak na kuwarto dahil dumidilim na rin—at dapat nasa kani-kaniyang division na kami sa ganitong oras.
"Good evening." pagbati ni Harrieth sa nakaunipormeng lalaki na may nametag na: Tyronius Hilgore. "We would like to buy a cabin that is good for six students. And we need an entrance pass to do that." Nagulat siguro siya dahil bigla na lang kaming sumugod na anim rito para humingi ng entrance pass ng gano'n na lang.
"I'm int'rested, but... do you have any permission by the five heads to demand such things? A letter, perhaps?" Mabuti na lang at napagusapan na namin kung anong gagawin.
"No, we don't. But please, kailangan lang talaga namin ng matutulugan ngayong gabing ito."
"Wow. That's illegal. I cannot do that." Bumalik siya sa ginagawa kanina at nakita namin itong pagbulaklakin ang mga halamang nasa loob ng counter. "And what exactly are you, freshies, doing here? Alam niyo bang isang kalabagan sa batas ang paggala ninyo sa school grounds ng ganitong oras? You should all go before we report you to the Heads." Napatingin pa siya sa orasang nakapaskil sa pader na nasa likuran namin.
"Ang kulit mo rin ano?" halos pabalang nang sabi ni Tye. "Wala nga kaming matutulugan ngayong gabing 'to. Ano bang malabo ro'n?"
"Then that's your problem."
"Please? Magkano ba ang isang entrance pass?" saad ni Octavia na ikinatawa lang no'ng nagbabantay.
"It's not that simple, miss. That's not how our policies are circulating here. Kailangan mo munang ipakita sa akin ang isang authorization letter na ina-allow kayong lahat ng limang Heads na bigyan ko ng access permit. It's easy to get one, though. Bumalik na lang kayo bukas—"
Sa sobrang kainipan ko dahil wala na kaming oras, ibinaba ko sa harapan niya ang limang piraso ng Quints, na may halagang limang libo. Natahimik siya at,
"Do you think that I—" Pinlano kong hatiin talaga ang labing dalawang piraso nito para kung hindi siya pumayag ay may back-up kami. Ipinantay ko sa naunang pecunia ang lima pang piraso no'n at sa wakas, napapayag na namin siya. Siya ang isa sa mga nagpapatunay na ang lahat ng tao—maging elemental, may presyo.
"Here's your VIP access cards. Thank you and welcome Inn to the Wooden Huts." Pagka-distribute niya ng mga cards, binigay ko na sa kaniya ang huling pecunia sa bulsa ng jacket ko.
"Please, paki-delete 'yong record namin at huwag kang magbabanggit ng kahit na anong detalye patungkol sa amin." sabi ko sa kaniya at natawa lang siya sa kahibangang ginagawa namin. Kinakabahan pa ako no'n dahil unang beses kong magbanta sa mas matanda sa akin.
"Yes, Sir."
Sw-in-ipe na namin ang mga cards sa security scanner para makapasok sa nagiisang pinto papasok ng Wooden Huts. Namangha ako nang isang napakadilim at napakalamig na forest ang sumalubong sa amin. Ito na yata 'yong Fantasy Forest.
Mayroong elevated path ang tuturo sa 'yo sa diretsong direksyon. May mga lamparang nakakalat sa buong paligid at nakasabit pa sa mga puno kaya kita namin ng malinaw ang daan kahit paano.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...