CHAPTER THIRTY EIGHT:
THE PIDMENTON TRAGEDY
∞
DEAN
Kasama si Al, nandito kami ngayon sa garden niya para mamitas ng mga gulay para sa tanghalian namin mamaya. Nasa loob ng kuwarto naman si Chris, nagpapahinga, kasama ni Harrieth na mukhang pinaguusapan na yata kung anong resulta ng pagsugod ni Harrieth sa third year niyang best friend kuno. Habang 'yong dalawa naman, pinabili namin ng stocks sa Shouxclave Store at speaking of... pabalik na sila rito akap-akap ang mga paper bag.
"Hey, bro!" Malayo pa lang, humiyaw si Tye kaya napatingin ako sa gitna ng pagbungkal ko ng malalaking carrots. Tumayo ako. Nang makalapit-lapit, "Headmaster Alvestrall's looking for you. Puntahan mo raw siya sa office niya as soon as possible." sabay bato ng isang susing nakita kong hawak ni Professor Zedd noon para buksan ang opisina niya. "That's his spare key and he said that you know how to use that." dugtong niya nang masalo ko ito.
Bakit naman kaya ako pinapatawag? "Sige, salamat."
Umakyat ako sa kuwarto ko pagkapaalam kay Al. Nang nasa pintuan na ako ng kuwarto, ginamit ko na ang susi para buksan ang pinto. Hindi ako sigurado kung ganito ba ang purpose ng susing ito. Bahala na.
Ipinasok ko sa doorknob ang susi at pinihit pakaliwa. Tumunog ito at pagbukas ko ng tatangnan, nasa loob na ako ng opisina ni Headmaster Zedd. Woah...
Isinara ko na 'yon.
"Good morning, Mr. Foster." pormal na paggalang ni Professor Zedd sa akin. "Tila, kagigising mo lang yata?" dugtong pa niya.
Napatingin ako sa salaming nasa gilid ko. Sobrang gulo ng buhok, naka-puting t-shirt na sinamahan ng stripes na boxer, habang nakayapak. Nako naman...
"Sorry, Sir. Hindi na po kasi ako nakaligo dahil sabi ni Tye, ASAP daw."
"Don't bother. I don't mind kahit nakahubo ka pa. Have some chair."
Umupo agad ako sa harapan niya pagkaayos ng buhok, sabay tanggal ng natirang muta. Itatanong ko na sana kung bakit niya ako pinatawag nang pangunahan niya 'to.
"How's Ms. Quillsmer?" Oo nga pala, hindi siya bumisita kahapon. Sinabi ko naman ang sagot sa kaniya na ayos na ang kalagayan niya. "That's great. And we are sorry dahil hindi namin siya nabisita kaagad. Because Headmistress McScotch and I with Headmaster Wytherin of course—the three of us—went to Pidmenton Place upang kamustahan ang kalagayan ng mga Guards and Visionaries na iniwan namin doon upang imbestigahan ang buong lugar.
"We sent fifty of them, overall, in a time span of seven days to explore and predict what possible phenomena or occurrences will happen there. The three of us talked about it and further reviewed the data and calculations given to us over and over again, and based on the assessment's results, it is proven na walang nakitang kahit na anong disturbances o kakaibang mangyayari sa susunod na araw sa buong lugar. Which will make you feel comfortable now dahil walang magaganap na kahit ano sa lugar ng Pidmenton."
Wow. Hindi ko man lang namalayan na nagiimbestiga na pala sila sa lugar na 'yon. At hindi ko inaasahan, na gagawin 'yon ni Professor Zedd na magpadala ng ganoon karaming tauhan para lang mapatunayan ang mga sinasabi ko.
"Sir, sigurado po ba kayo? As in hundred percent?" natutuwang sabi ko. Dahil lahat ng mga napanaginipan ko, hindi naman pala totoo. Gaya na rin ng sabi niya, fifty to seventy percent lang ang tendency na magkatotoo nga ang mga narinig ko noon sa Boxwoods. At nagkataon na 'yong 30 to 50 percent na hindi magkakatotoo, ang nangyari sa sitwasyon ko ngayon.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...