CHAPTER FORTY FIVE:
EMPATHY AND TELEPATHY
∞
DEAN
Eight o' clock ang training ko ngayon at kailangan kong magmadali dahil maga-alas otso kinse na ng umaga. Mag-uumpisa na ang pageensayo ng mentus ko sa pangunguna ng bago kong Professor—si Headmistress McScotch.
May dadalawa lamang na comfort room sa nabili naming bahay rito sa Inn to the Wooden Huts. Pinauna ko na silang lima dahil may susi naman kako para shortcut sa trainig room na pupuntahan ko. Sana nga raw ay may gano'n na lang ang lahat ng kuwarto para mas maaga silang makapasok.
Suot ang uniform tuwing Friday, gamit ang pinto ng kuwarto ko rito sa lodge, ipinasok ko ang susi. Pagbukas ko ng pinto, nasa isang medyo maluwang at pabilog na akong bulwagan. Isang napakaputing hall na may labing limang arko ang mabibilang at nakapalibot sa akin. Halos magkakadikit ang empty archways na ito at nasabi kong fifteen dahil sa numerong nakapaskil sa itaas nito.
Bukod sa mga arko at chandelier na hindi mawawala, wala na akong ibang napuna sa loob. Hindi ko ma-explain pero sa bawat arko, may iba't ibang lugar ang ipinapakita nito. Para siyang portal na kapag pinasok ay ihahatid ka sa ipinapakita nitong specific environment. Gaya na lamang ng isang arc na gubat ang loob, tuyong disyerto, maalon na beach side, tuktok ng bangin, sa alapaap, sa Ishodale?, at kung saan-saan pa. Nahinto na lang ako sa pagmasid nang makita sa gitna ng bulwagan ang Headmistress.
"Good morning Professor. S-sorry po, I'm late." Napakagat ako sa labi dahil parang kanina pa siya nakatayo roon sa gitna ng mag-isa. Nako naman... Kung bakit ba kasi ako namahay kagabi?!
"Good morning, Mr. Foster."
"AHHH!!!" Natigil ako sa paglalakad at awtomatikong napahawak sa dalawang sentido. Sabay-sabay na kumirot ang mga ugat sa utak ko na parang isa-isang ginunting at nakakabaluktot 'yon ng tuhod.
"Kung hindi maituturo ng mainam, ganiyan ang maaaring sapitin ng isang elemental na 'yong gagamitan ng mentus na Telepathy o tinatawag rin sa ibang wika na Mental Surfing, Mind Induction, Psyche Probe, o Thought-casting." Hindi pa man bumabalik sa dati ang ayos ng utak ko, nagsimula na siyang magturo ng leksyon. Hindi man lang siya nagbibigay ng babala. Nako naman...
"Subalit ganito naman ang magaganap sa oras na ito'y maituturo sa 'yo ng napakainam."
Nanlalaki ang mga mata ko dahil nadidinig ko ang boses niya sa loob ng utak ko. Unang beses pa lang itong mangyari sa akin kaya sobrang mangha ako nang makipag-usap siya gamit lang 'yon.
"Paano niyo po 'yon nagawa?" parang bata kong tanong na parang gustong matutunan agad ang nakita niyang magic tricks. Pulido siyang ngumiti sa akin.
"Telepathy." Muli, nadinig kong sagot niya sa utak ko. "Isa itong abilidad kung saan maaari mong mabasa, matukoy, o alamin ang lahat ng mga bagay na nasa loob ng utak ng isang elemental at makipagkomunika gamit ito. And when I mentioned all, it includes their memories, even the lost ones, their thoughts, desires, emotions, secrets, their past, who trully they are, and mentally control totally their mind."
WOAH! Hindi ako makapaniwala. "So, gamit po ang telepathy, kaya ko pong kumontrol ng isang tao—elementalist?"
"Undeniably. If you wanted to. But in the Elemental World, every mentus has its limitations. We cannot use that mentus in terms of many conditions. It's against the Elemental Law and elemental rights of every elemental being. At kinakailangan mo munang humingi ng permiso bago mo basahin ang utak ng isang elemental dahil sa Elemental Freewill nila. Ngunit hindi natin alam kung nasusunod nga ba ang patakarang ito."

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...